noveltoon logo noveltoon
KLWKN

Chapter 2

Ch. 3 / 9 Nov 28, 2025

Bago ako tuluyang bumangon nakipag titigan muna ako sa kisame at ceiling fan. My summer vacation is over. Napabuntong hininga ako while reaching for my alarm clock to snooze it off. Pag narinig ko ‘yung tunog ng alarm clock ko it’s time to snap back to reality.

And I hate it.

I wanted to sleep more. I know I slept well last night, pero pagod pa rin ako. Isinuot ko yung tsinelas kong pang bahay tinaas ang blinds ng aking bintana at dumungaw ako sa labas. Bukod sa KLWKN, sunset and sunrise make my heart flutter. As I was fascinated by the colours of the sky, napatingin ako sa picture ni Pacco.

“My life sucks, atleast the sun rise is pretty. Pampalubag loob ng universe, I guess.” Minsan nakakainis kasi hindi ma capture ng camera ang kagandahan ng kalangitan.

Nag pakalawala ako ng malalim na hininga at kinuha ko ang picture ni Pacco. Yinakap ko ‘yun ng mahigpit. I whipped it with my clothes and smile at it. Binalik ko na ito sa side table ko at tumingin ulit sa labas. Umulan mag damag kaya tila amoy ko pa rin ang ulan.

Inayos ko na ang pinag higaan ko. Ipinuyod ko ang aking buhok at pinag masdan ang aking sarili habang nakasabit ang towel sa balikat ko.

I tried to smile in front of the mirror.Pag naiisip ko pa rin ang nangyare 3 years ago para pa rin akong hinihila nito pabalik sa bangungot. The day before the accident.

Muli kong tinignan ang aking repleksyon sa salamin,

“You’re a mess. You’re miserable. Why you’re still alive, Rose? Wala ka ng purpose, bakit nandito ka pa rin?”

Kahi na anong sabihin nila, hindi ko pa rin makuhang patawarin ang sarili ko.

“Rose, gising na! May pasok na anak!” My mom she shouted.

I slightly slapped myself, “Back to reality, Rose.”

Huminga ulit ako ng malalim at naligo na, the world maybe cruel pero I needed to finish my study kasi ‘yon ang pinangako ko kay Pacco.

Sabay dapat kami, kaso masyadong maaga noong kinuha siya sa amin.

Im on my 3rd year here at Sempione State University. I am taking Bs Tourism Management. Isang taon na lang at ga-graduate na ako. At hindi pa rin ako sigurado kung ano ba talaga ang gusto kong mangyare sa buhay ko. Hindi nga din ako sigurado kung heto ba ang kursong gusto ko.

Takbuhan, hiyawan, sigawan ang mga nakakasalubong ko sa hallway patungo sa aming classroom. Siguro dahil first day of class everyone is so excited.

Malapit sa quadrangle ang classroom namin. Kaya naman kalimitan ng mga nag ji-jamming, chismisan at mga tambay naka standby doon. That place is always crowded, and I hate it.

“Ang ingay,” iritang sabi ko sa aking sarili. Sumasabay pa ang ingay ng mga drum and lyre. Inayos ko ang postura ko at muling nag lakad ng mabilis.

Pumukaw sa atensyon ko ang mga familiar na mukha. Nginitian ako ng mga ito, tuwang tuwa nang makita ako.

“Heto na naman sila. Mga peste ng buhay mo, Rose.” I told to myself. Ang banda ng Pomaki. Ang bandang bukod sa pag kanta, ang bwisitin ako ang pangunahin libangan nila.

“True nga ang chika, may poging banda nga dito” sabi noong babaeng isa na nag i-story sa Instagram. “Mag tayo kaya ng fansclub for them? POMAKI BAND, right?” saad pa noong isa. Ang cliché man pakinggan pero, this scene really does exist in real life.

“These bimbo girls,” I sigh.

POMAKI BAND were singing Silvertoes by Parokya ni Edgar. Mga feeling cutie kahit hindi naman. Gustong gusto nila ang atensyon. Mga pasikat.

“Miggy! Migoy!! Andyan na!!” Japshouted. Natigilan ang mga ito nang nakitang medyo malapit na ako sa kanila. “Oh, heto na! Migoy!! Si Yamaaaan!!” binilisan ko na lang ang lakad ko. Dahil alam ko na ang susunod na mangyayare.

Si Alvin, ay anak ng dean ng school na ito. Si Jap ay anak ng mayor, tamang lakas trip lang. Si Don ay miyembro ng varsity. At ang kanilang leader na si Miggy.

Para silang mga kulto na wala ng ginawa kundi mag recruit ng mga tao para pag tawanan ako. Mabuti na lang at last year na ako sa college. Next year, hindi ko na sila makikita. Sana.

May pamilyar na amoy akong na a-amoy. CK1, isang tao lang ang gumagamit non. At ‘yon si Miggy. They have the same scent, I mean Pacco. Kaya alam ko pag andiyan siya.

“Good morning!!!” he is wearing a gray Calvin Klein hoodie at may suot itong vintage na ray ban. Naka pamulsa ang isang kamay nito at ‘yung isa naman ay naka wave sa akin.

“Ay rejected pa rin? Three years na rejected pa rin? Kawawa! HAHAH” Pang aasar ng mga ito kay Miggy. Napakamot na lang si Miggy sa kanyang ulo.

“Shh!! Kalma lang kayo. Kalma lang tayo,” Pag papatahimik ni Miggy sa kanyang mga kaibigan. He is wearing the smile that I hate the most. Those pearly white teeth. Iyong dimple na animo sinundot ng monggol 2 sa lalim. I just rolled my eyes heavenwards.

“Hmm, kumusta? Kumusta ang summer vacation?” Ano bang paki niya sa akin? Hindi niya ba maramdaman na ayoko sa kanya? Tinanggal nito ang kanyang shades, ngumiti pa ito lalo. Kung sa ibang babae epektibo ang ganyang style sa akin hindi.

“It was nice to see you again, Rose.” Masayang bati nito sa akin, “The feeling is not mutual. Stop pestering me.” Malditang sagot ko.

Mayamaya pa’y sumunod na din si Don, Alvin at Jap kay Miggy. These three keeps on teasing me. “Bagong rebond? Naks sana all!” sabay hawak ni Jap sa dread locks niya.

“Ma try nga mag pa rebond,” saad ni Alvin na nooy naka gray bonnet. “Anong ipaparebond mo? Wala kang buhok,” sagot ni Jap kay Alvin. Nag tawanan ang mga ito.

Tumigil ang mga ito sa kakatawa nang mapansin nila ako, “Andyan ka pala,” pabirong sabi ni Alvin. I rolled my eyes heavenwards. Lalong nag tawanan ang mga ito.

“Pasensya ka na Rose sa mga kaibigan ko, Kumus—"

“Can you pretend na hindi mo ko kakilala?” diretsong sabi ko kay Miggy.

“Bakit ba ang sungit mo kay Miggy?” curious na tanong ni Alvin. “Ayaw mo nun? You got Miggy’s attention? Like effortless.” Sabay ngiti ni Jap sa akin tapos umakbay ito kay Miggy.

Tinignan ko ang mga ito bago sumagot, “Hindi ako interesado, kaya lubayan niyo ako.”

Napakamot na lang ulit sa ulo si Miggy. “Have a nice day pa rin kahit na rejected,” napailing na lang ako sa sinabi ni Miggy.

I just gave him a blunt expression at nag patuloy sa pag lalakad.

“See you around!!” sigaw nito habang papalayo na ako sa kanya.

“Tama na nga ‘yan Miggy, stop wasting your time on her. She’s not worth it,” sabi ni Don kay Miggy.

Sa kanilang lahat si Don ang medyo may kagaspangan ang ugali. Si Alvin at Jap kasi kahit mayabang ramdam mo na cool sila. Si Don? He’s kinda rude, pero who cares?

“Mga ganyang tao, dapat iniiwasan.” Pag ri-remind ko sa aking sarili.

Nang maka pasok na ako sa classroom, upo na ako nag sulat na ako sa aking journal. Naging outlet ko ang pag susulat when it comes to venting out. Hindi naman kasi ako huhusgahan ng diary ko. At isa pa, wala akong kaibigan.

I HATE EVERYONE!

Gigil na isinulat ko yan sa diary ko using my black sharpie. Kung death notelang siguro ang note book na ‘yon malamang sa malamang, inilista ko lahat sila. Huminga na lang ako ng malalim. Ilang buwan lang naman at semester break na.

Kaya ko ‘to. Kaya mo ‘to, Rose! Pag ku-comfort ko sa sarili ko. No choice naman din ako, all I have is myself.

Maya maya din naman ay pumasok na sa classroom ang mga blockmates ko.

Umupo ako sa may first row. Wala masyadong tumatabi sa akin dahil mostly ng mga kaklase ko mahilig sa chismisan kaya gusto nila sa likod. Pero si Miggy, laging umuupo sa second row. Sa may likuran ko. Madalas nitong tinatapik ang balikat ko. Kahit may earphones ako, panay ang pag papansin. Siya talaga panira ng araw at buhay ko.

Dumating na din si Mrs. Agoncilio. Ang adviser namin this year. She looks quite intimidating. Sa pag kakaalam ko, retired flight attendant na si Miss. Kahit may edad na ito, hindi ko maitatanggi na maganda pa rin siya.

“Good morning 3-A, I would like to introduce myself--” Habang nag sasalita ito para bang nag a-anounce ito sa eroplano. “Welcome aboard children. So,”

Tumingin ito sa amin, at pinin-point niya ako.

“Please introduce yourself, Miss--” Bago pa man ako tumayo, everyone is making fun of me. Dahil nasa block section ako, kami-kami pa rin ang mag ka-kaklase.

“Go, yaman!” sigaw ng mga ito sa akin.

“My name is Rose Sandrine Tolentino, I’m 19 years old--” I said with a low and shaky voice. “Tell me about yourself,” tumingin ulit to sa index card na sinubmit ko.

“Wala na Miss! Limited lang ang mga sinasabi ni yaman.” Panga-ngantsaw ng isa kong kaklase. Hindi ko na lang ito pinansin. I started to pluck my nails kasi my anxiety is kicking in.

“Any hobbies miss Tolentino?” ibinaba ni prof ang kanyang reading glass sa tip ng kanyang ilong, mukhang interesado ito sa buhay ko. At hindi ako natutuwa. Nag simula na din akong manginig.

Nang aktong sasagot na ako, biglang nag salita si Miggy.

“There is something magical about her Miss,”

“Miggy lang ang sakalam!” Alvin added.

“She’s different in a way, Ma’am.” Natawa sila sa sinabi ni Miggy. Parang gusto ko na lang mag palamon sa lupa sa mga oras na ‘yon dahil ayoko sa atensyon.

“You mean, pa-special? Pa-VIP?” an irregular girl added. Then heard them chuckled. Sanay na akong mapag usapan, immune na ako sa chismis kaya wala na din akong panahon sa kanila.

“Quiet!!!” pag papatahimik ni prof sa amin. Ibinaling niya ulit ang tingin nito sa akin, “You may take your seat, Miss Tolentino. Welcome to my class. I hope mas makilala kita. You seem interesting.” Nag nod lang ako at umupo na.

Napahigpit ang hawak ko sa lapis kong hawak. Tight enough to break it. Everyone is still making fun of me.

Nang makaupo na ako, Nararamdaman ko si Miggy na nakatitig sa akin. Nakakaloko ang mga ngiti nito kaya inirapan ko ito.

“Now, you mister hoodie,” napailing na lang ako. Bago pa man nag salita si Miggy nag hiyawan na ang mga kaklase ko. Miggy is quite famous and quite annoying too.

“They call me, Miggy, Miguel, Visente. But my real name is Miguelito Vicente Andrada po.” Confident na sabi nito as usual. Pag si Miggy ang nag sasalita para bang na ha-hype ang mga tao sa paligid.

Miggy’s Magic that’s how the describe it.

“Ano ang mga pinag kakaabalahan mo,”

“I love music ma’am. I love arts, photography and KLWKN.”

Napatingin ako kay Miggy nang sabihin niya ang KLWKN.

“K-L-W-K-N?” pag spell ni Miss Agoncillio. “Short cut po sa Kalawakan, anything na related po sa galaxy, universe, planets, stars.” Proud na sabi ni Miggy.

“Clever.”

Tipid na sabi ni Miss Agoncillio. “You may continue,”

“And I wanted to be friends with everyone.” Nararamdaman kong nakatingin ito sa akin. Not everyone wants to be friends with you. Not everyone likes to be around you.

“Good to know mister friendship,” pabirong sabi ng aming prof.

“And I am taking this time to re-introduce myself to,” lumapit ito sa akin. Putek talaga ‘tong lalaking ito. Wala ng magandang ginawa.

“Miss Tolentino.” He said casually. Tumingin ako kay Miggy at napailing. Nag hiyawan ang mga kaklase namin nang gawin ‘yon ni Miggy.

“Nice to see you again, I mean again. Hehe” He offer me a handshake, pero I shoo it away. Napakamot na lang ito sa kanyang ulo.

“Okay lang, uupo na lang ako ulit” he said calmly. Bumalik na ito sa kanyang upuan. He seems defeated pero ganyan naman si Miggy yearly.

Very eager to be my friend, pero no. My walls are too high at hindi siya welcome.

I still hate him.

“Sana this year maging mag kaibigan na tayo, time is precious. Hehe” mahinang sabi nito sa akin. I just flipped my hair para ipakita sa kanya na ayoko at hindi mangyayare ‘yon.

Nag simula ng mag-discuss si Miss Agoncillio, napaka galing niyang mag explain at nakukuha ko agad ang mga itinuturo niya. Kaya hindi ko naramdaman na tapos na halos ang 45 minutes niyang klase. Bago tuluyang nag dismiss si Miss Agoncillio,

“Rose—” hindi ko pinansin si Miggy. Ilang beses niya itong inulit.

Nang makaalis na si Miss, may inilagay si Miggy sa arm chair ko at sumunod na ito sa mga bandmates nya palabas ng classroom.

“Miggy! Ano ba naman ‘yan! Bilisan mo! Gutom na ako!” sigaw ni Don, “Kwek-kwek na kwek-kwek na kami!” saad pa ni Jap habang hinihipo nito ang kanyang tsan.

“Arrivo!” ngumiti muna ito sa akin bago tuluyang tumakbo paalis.

May isinulat ito sa yellow paper. Ginawa niya itong origami, I was hesitant to read it.

Pero, I got curious kaya binasa ko na din.

I hope to see you smile genuinely one day.

p.s

There is always a rainbow after the rain.

-Miggy 😊

Nilamukos ko ‘yung papel at itinapon ko ‘yun sa trash can. He’s giving me false positivity and I hate it!