noveltoon logo noveltoon
Franco Navarro (Kristine Series 7)

Chapter 8

Ch. 9 / 12 Nov 28, 2025

Chapter Eight

P ABABA ng kotse si Bea nang batiin siya ni Jerome.

“Bea? Ikaw nga ba?”

“Hi, Jerome,” nakangiting ganting-bati niya.

“This is my lucky day,” nakatawa ang binata. “Saan ka pupunta?”

“May usapan kami ni Franco na manonood ng sine ngayong hapon pero may hindi inaasahang importanteng meeting ang biglang nagpabago ng schedule. Kaya heto, killing time. Babalikan ko na lang siya sa opisina mamaya.”

“Let’s have snack then. Unless gusto mong mag-isa?”

“Siyempre hindi,” sagot niya. Na-impress sa pagbibigay ng binata ng importansiya sa damdamin niya. “Saan mo gustong mag-snack tayo?”

“Anywhere you fancy.”

“Wala naman akong gaanong alam na lugar. Wala pa akong tatlong buwan dito sa Maynila. Dependent lang ako sa asawa ko kung saan niya gustong magpunta kami.”

“How sweet and submissive. I am only sorry na hindi kita nakilala bago mo inobliga si Franco sa pangako niya. I wouldn’t have let you get away with me.” Naroon ang panghihinayang sa tinig nito na ikinatawa ni Bea.

“Halika na nga.” Binalingan ni Bea ang driver at sinabing maghintay na lang doon.

Bagaman tumango ang matandang driver na ilang taon nang nagseserbisyo kay Franco ay hindi nito maiwasan ang pagsalubong ng mga kilay. Sa isip nito ay paanong naging kaibigan ni Bea si Jerome.

Sa isang pinakasulok na mesa sa isang café naupo sina Jerome at Bea. Pagkatapos ibigay ang order ay matiim na tinitigan siya ni Jerome.

“Nakikita kong maligaya ka sa piling ng stepbrother ko, Bea,” anito.

“Maligayang-maligaya, Jerome.”

“And you love him, of course.” Tumango si Bea. “At mahal ka rin naman ni Franco, natitiyak ko.”

Kumislap ang mga mata ni Bea. “Oh, he does. Pinatunayan niya iyon sa maraming mga bagay at pagkakataon. Kaya nga hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari sa akin hanggang ngayon. I wasn’t expecting him to love me really. Inaasahan kong he will learn to like me a little then perhaps love will grow habang magkasama kami. Pero ang mahalin ni Franco sa unang linggo pa lang naming pagkakasama ay sobra-sobra sa inaasahan ko!”

Tumawa si Jerome. “Nagseselos ako, Bea, at nasasaktan.”

Tumaas ang mga kilay ni Bea at bahagyang nanlaki ang mga mata. “You’re kidding?”

“Hindi ako nagbibiro. Natitiyak kong hindi sinasabi sa iyo ng asawa mo na sa maraming mga taon ng buhay namin ay hindi kami magkasundo?” Umiling si Bea. Walang nasabi si Franco. “Well, hindi mo maialis sa akin iyon. My father married her mother when we were both kids. Iba pagkababae ang pumasok sa pamilya. Nakaligtaan akong tuluyan ng Papa kaya nagrebelde ako at si Franco ang napagtuunan ko ng pansin dahil sa palagay ko ay inagaw niya sa akin ang atensiyon ng Papa.”

“Oh, Jerome...”

“Worst, ipinadala ako ng Papa sa America sa mga tiyahin ko roon when I was barely fourteen. He did not send me back at kung hindi pa dahil namatay siya ay hindi ako makababalik ng Pilipinas nang pinahintulutan ng Papa.” p unong-puno ng pagdaramdam ang tinig nito.

“Hindi ko alam, Jerome. Hindi sinabi sa akin ni Franco ang tungkol sa inyo,” simpatya niya rito.

Nagbuntong-hininga si Jerome. “Hindi na kailangang banggitin mo pa kay Franco, Bea, at kahit sa t ita Erlinda. We have settled the matter a long time ago. We’re both mature people now at magkasundo na kami. Ang tanging konsolasyon ko ay maligaya ang Papa sa piling ng t ita Erlinda hanggang sa mamatay ito. At nagseselos at nananaghili ako sa stepbrother ko dahil mukhang nasa kanya na lang yata lahat ng magagandang pangyayari. I fell in love with you noong una pa lang kitang makita, Bea.”

Nanlaki ang mga mata ng dalaga. “Jerome!”

“Don’t be shock. You are underestimating yourself kung hindi mo ako paniniwalaan.”

“I... I... don’t know what to say,” usal niya.

“I can take care of my feelings, Bea. Hindi ko lang matiis na hindi iparating sa iyo. I know you’re happy with Franco at wala akong balak na sirain ang relasyon ninyong dalawa nang dahil sa damdamin ko. Ito ang una at huling pagkakataong banggitin ko ang tungkol sa damdamin ko sa iyo. But please, let us remain friends...” pagsusumamo nito.

“B-but of course, Jerome...”

“Thank you, Bea. Asahan mong naririto lang ako kung kailangan mo ng tulong ko.” Ginagap ng binata ang palad niya at pinisil. Gustong alisin ni Bea pero hindi niya magawa out of politeness.

Sa pagitan ng pagkain ay kung ano-ano pa ang napag-usapan ng dalawa. Masaya at magiliw na kausap si Franco at maraming kuwentong nakakaaliw at nalimutan ni Bea ang oras. Nang ihatid siya ni Jerome sa parking area ay isang oras na atrasado sa usapan nila ni Franco. Mabilis siyang nagpahatid sa driver sa FN Canning.

Nasa kotse na nito si Franco nang dumating sila.

“What took you so long, sweetheart?” salubong ni Franco. “Namili ka ba?”

Mabilis siyang pumasok sa kotse at hinagkan sa pisngi ang asawa. Nagpasalamat nang lihim na hindi ito nagagalit sa pagkaatraso niya nang mahigit isang oras.

“Nagkita kami ni Jerome sa harap ng COD, darling. Niyaya niya akong mag-snack. Pumayag ako tutal ay nagpapalipas lang naman ako ng oras. Nalibang ako at nalim—” h indi niya itinuloy ang sinasabi nang makitang dumilim ang mukha ng asawa.

“Pinaghintay mo ako nang isang oras na mahigit dahil lang nalibang ka sa pakikipaghuntahan sa lalaking iyon!” Parang kulog ang tinig nito sa pandinig ni Bea.

“I–I am...sorry,” kinabahan siya. Sa maikling panahon ng pagkakilala niya rito ay hindi niya kinaringgan ng ganoong tono si Franco.

“You should be! Kung alam ko lang na maaatraso ka nang ganoon ay hindi ko na sana tinapos ang meeting nang maaga!”

Hindi kumibo si Bea na inayos ang sarili sa upuan. Paarangkadang pinatakbo ni Franco ang sasakyan. Muntik na itong tumama sa likuran ng delivery truck ng kompanya.

“P-please...”

“I do not want my wife flirting with another man, Bea, tandaan mo iyan!”

“I... did not f—”

“Hindi ko gustong makipag-usap ka sa lalaking iyon hindi man sinasadyang magkita kayo! Iwasan mo siya hanggang maaga!”

Napukaw ang rebelyon sa dibdib niya. “You’re being unreasonable. Humingi na ako ng paumanhin sa pagkakaatraso ko. At walang dahilan para iwasan ko si Jerome na tila may sakit na nakakahawa. He was nice and friendly. And he was treating me like a brother-in-law should.”

“Hindi ko kailangang magpaliwanag sa iyo.” n ilingon siya nito sa nag-aapoy na mga mata. “Pero inuulit kong hindi ko gustong makipagkita ka sa kanya. Tapos ang usapan!”

“Well, you just can’t order me around, Mr. Navarro, like some servant! Hindi dahil pinakasalan mo ako ay...”

‘Damn!’ Pinasibad nito ang sasakyan na tila ito lang ang laman ng kalye. Biglang nahinto sa pagsasalita si Bea at idinikit ang sarili sa sandalan. Kinabahan at natatakot siya pero sinikap niyang ikalma ang sarili.

“Ihinto mo ang kotse sa tabi at bababa ako, Franco,” aniya sa malamig at nanginginig na tinig.

“The hell you will!” sigaw nito.

“Hindi ka nagseselos kaya noong una ay iba ang atensiyong ipinakikita mo kay Jerome! Nagagalit ka pa rin sa kanya dahil sa mga walang kakuwenta-kuwentang bagay na lagi ninyong pinagtatalunan mula noong maliliit pa kayo!”

Tumaas ang mga kilay ni Franco. “At sinabi niya sa iyo iyan, ha? I wonder why?” patuyang sinabi nito na bahagyang nagmenor.

“Matagal nang tapos iyon. Hindi na kayo mga bata. Why can’t you forgive and forget?”

Nagtagis ang mga bagang ni Franco. “Hindi mo alam ang sinasabi mo! Hindi kami kahit kailan magiging magkaibigan ni Jerome, Bea, not that I didn’t try to...”

“You are as unforgiving as your grandfather!” agap niya na sa galit ay hindi pinatapos ang sasabihin ng asawa.

“Tatak ng mga Sebastian iyon at kalahati ng dugo ko ay Sebastian!” Sumisigaw na itong totoo. Hindi sumagot si Bea at nanahimik ng ilang segundo.

“Oh, please, Franco, bakit tayo nag-aaway nang dahil lang sa isang maliit na bagay?” Bumaba ang tinig niya.

Hindi sumagot si Franco pero ibinalik sa normal ang driving. Nakita ni Bea na nagagalit pa rin ito pero minabuting palipasin na lang ang galit ng asawa. Pagdating sa mansiyon ay tuloy-tuloy sa library si Franco at dinampot ang telepono. Si Erlinda ay nagtatakang binalingan si Bea. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nalimutan ni Franco na naroon ito.

“May nangyari ba?” tanong nito sa manugang.

Umupo ang dalaga sa malaking sofa at inihilig ang ulo sa sandalan. “May—pinag-awayan kami, Mama.”

Ngumiti si Erlinda. “Lovers’ quarrel. Huwag mo nang pansinin si Franco at lilipas din ang galit n’on.”

Tumango si Bea. Nagpasalamat na hindi itinanong ni Erlinda ang sanhi ng pinagkagalitan nilang mag-asawa. Anuman ang dumating sa buhay nila ni Franco ay problema nilang dalawa. Gaano man kabuti ang motibo ni Erlinda o kahit na sinong tao ay hindi dapat na magkaroon ng ibang taong involve sa suliraning pang-mag-asawa. Sila lamang ang dapat na lumutas anuman ang sigalot na maaaring dumating sa kanilang dalawa.

SI Franco ay ibinagsak ang telepono sa galit. Hindi sa kausap kundi sa nalaman. Nahahapong isinandal ang ulo sa swivel chair. Pinag-iisipang mabuti kung ano ang gagawin? Sa kompanya at sa kanilang mag-asawa. Huwag nang idagdag pa ang ranchong minana na hanggang ngayon ay hindi pa niya mahanapan ng panahon.

Sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay niya’y nakadama siya ng insekyuridad at pagkahapo. Ipinikit niya ang mga mata. Kung gaano katagal siya sa ganoong ayos ay hindi niya alam.

“Franco...” she called softly.

Unti-unting nagmulat ng mga mata si Franco. Nasa harap nito ang asawa. “N-nakatulog ka. Sinilip kita kanina para yayaing kumain pero hindi ko maatim na gisingin ka. You looked so tired.”

“Pero ginising mo ako ngayon...” sagot nito sa tonong hindi matiyak ni Bea kung galit o nagbibiro.

“It’s past eleven. Ayokong dito ka abutan ng magdamag. I am sorry, darling, pero naniniwala akong hindi dapat na pinaaabot sa umaga ang pagtatalo. So whether you like it or not, let’s make amends.”

“And how do you intend to do that?” Nahihimigan na ni Bea ang amusement sa tinig ng asawa. Nakadama siya ng relief.

“Any idea?”

Kinabig siya ni Franco at napaupo siya sa kandungan nito. “Let’s make love here...” wika nito and bit her ear gently. His one hand cupped the side of her breast.

“Here where?”

“Sa ibabaw ng desk, sa sofa, sa carpet, sa chest, or even in the wall standing, kahit na anong gusto natin. Dito natin gugulin ang buong magdamag, my sweet wife.” h is voice in seductive whisper habang unti-unting inaalis sa mga balikat ng asawa ang nightgown.

She giggled. “Darling, I didn’t know you’re an exhibitionist o pervert ba ang tawag doon?”

“Kahit na anong itawag mo.” i tinaas nito ang asawa at iniupo sa ibabaw ng desk study. Pagkatapos ay ito naman ang nag-alis ng kasuotan and was naked in seconds flat.

“Oh!” bulalas ni Bea. He was ready and hard. “Ganoon kadali?”

“You should have noticed nang kandungin kita,” nakangising wika nito. He was standing and positioned himself in between her legs. Push her down on the table gently. “You were in my troubled dreams, sweet, torturing me and I want you now...”

“Franco... oh!” she gasped. Hindi niya inaasahan iyon. Sa panahon ng pagtatalik nila ay hindi pa nangyaring hindi nag-foreplay ang asawa. And her husband took her in one sure powerful thrust while she was in a most uncomfortable position imaginable.

Pero hindi na niya naiisip iyon. Franco drove wildly, deeply and savagely as if there’s no tomorrow. And to her disbelief, she was trembling in her need, her hands clutching his back. His hand gripping her hips as he quickened the steps of this primitive dance. Isang matamis na pandarahas ang ginagawa ng asawa and she was mindless of everything but his stormy lovemaking.

In minutes, isinubsob ni Franco ang mukha sa leeg ng asawa. “Bea... my sweet, Bea...” he whispered in ragged breathing.

Sandali silang nanatili sa ganoong ayos nang marahang kumawala si Bea. “Franco... h-hindi kaya mga importanteng papeles sa opisina ang nasa likod ko? N-nasulyapan ko iyon kaninang pumasok ako...”

Natilihan si Franco na inisip ang sinabi niya. At sa isang iglap ay tumayo ito kasama ang asawa. Tinitigan ang mga papeles na kusot-kusot at basa ng pawis nilang pareho. May dalawang dokumentong nakadikit pa sa likod ni Bea.

“Oh, damn!” wika nito na tinutop ang ulo. Kabibigay lang ng abogado ng kompanya sa kanya kanina. A newly notarized contract signed by both parties.

Then he looked at his wife na kumikislap ang mga mata in silent laughter. Pumailanlang sa loob ng library ang tawanan nilang dalawa.