Chapter Nine
T ATLONG araw ang lumipas pagkatapos noon nang makatanggap ng tawag si Bea mula kay Jerome.
“B-Bea, si Jerome ito...”
“Jerome?” sagot niya na nagtaka sa tinig nito na parang may dinaramdam.
“Sinabi mo kay Franco ang tungkol sa sinabi ko sa iyo.” m ay akusasyon sa tinig nito. Nakadama ng guilt si Bea.
“I–I never meant to pero nagalit siya nang malamang ikaw ang kasama ko at nagalit din ako sa pagiging unreasonable ni Franco at hindi ko sinasadyang masabi iyon.”
Isang buntong-hininga ang narinig niya sa kabilang linya. “Nandito siya kaninang umaga, Bea. Binalaan niya akong huwag ka nang kausapin. I tried to reason out na wala akong intensiyong masama. But he cannot be pacified, naging marahas siya at...”
“At ano, Jerome? Ano ang ginawa ni Franco?” kinakabahang tanong ni Bea.
“Sinikap kong awatin siya pero galit na galit ang asawa mo at gustuhin ko mang lumaban ay hindi ko magawa. Dalawang araw na akong may trangkaso.”
“Oh my...!” bulalas niya. Hindi siya makapaniwalang ganoon ka violente ang asawa. Pero naikuwento na ni Jerome ang tungkol sa mga away nila noong maliliit pa ang mga ito. At hindi itinanggi ni Franco iyon. At hindi siya makapaniwalang sasaktan ni Franco si Jerome na maysakit ito. “Saan ka naroroon, Jerome?”
“Nandito ako sa condo ko, Bea, mending my bruised and my pride.”
“Give me the address at pupunta ako ngayon diyan,” utos niya.
“Huwag mong gawin iyon, Bea. Hindi gugustuhin ni Franco na malamang nagpunta ka rito... ” s andali itong huminto sa pagsasalita at umubo. Napangiwi si Bea. “Hindi ko gustong ako ang pagmumulan ninyo ng away. In fact, kaya ako tumawag ay para humingi ng paumanhin sa pagsasabi sa iyo ng tungkol sa amin.”
“Ibigay mo sa akin ang address mo, Jerome. Hindi ko mapapayagang gawin ng asawa ko ang ganitong uri ng karahasan sa para na ring kapatid sa laman!”
“Sigurado kang...”
“Sigurado. You’re sick at hindi ko alam kung ano ang ginawa sa iyo ng magaling kong asawa,” galit niyang sagot. Sinabi sa kanya ni Jerome ang address nito. Pagkatapos ibaba ang telepono ay nagmamadaling nagbihis si Bea.
Sa ibaba ay nasalubong niya si Erlinda. “May pupuntahan ka, Bea?”
“Kay Jerome. Mama...” walang alinlangang sagot niya.
Nanlaki ang mga mata ni Erlinda sa panggigilalas. “Kay Jerome!”
Nasa pinto na siya nang muling sumagot. “Kailangan niya ako ngayon, Mama. Maysakit si Jerome...” h indi na niya kailangang sabihin sa biyenan na sinaktan ito ni Franco. Hindi kailangang ligaligin niya si Erlinda sa karahasan ng anak.
Papalabas na ang sasakyan sa garahe nang lumabas si Erlinda na hindi pa rin makapaniwala sa narinig. Lumatay ang galit sa manugang.
Si Bea ay inutusan ang driver na dalhin siya sa address na sinabi ni Jerome sa kanya.
“ANO ang sinabi ninyo, Mama?” Si Franco.
“Paano at kailan nakilala ni Bea si Jerome, Franco?” tanong nito na hindi malaman kung paano pipihitin ang kordon ng telepono sa galit.
Ikinuwento ni Franco ang mga pagkakataong alam niyang nagkausap at nagtagpo si Bea at Jerome.
“Maliban doon sa mga pagkakataong iyon, hindi mo ba alam kung nagkikita at nagkakausap sila?”
“Iyon lang ang alam ko, bakit, `Ma?”
“Umalis ang asawa mo ten minutes ago. May kausap ka sa kabilang linya kaya naghintay na muna akong tawagan ni Dolly.”
“Alam ba ninyo kung saan nagpunta si Bea?” Tumuwid ito ng upo.
“Malinaw kong natatandaan ang paalam ng asawa mo, Franco, Pupuntahan niya si Jerome dahil kailangan siya nito.”
Si Franco ay biglang natilihan, hindi nagsalita pero naningkit ang mga mata at nagtagis ang mga bagang.
“Franco...” nag-aalalang usal ni Erlinda sa katahimikang namagitan.
“I—am all right, `Ma...” p agkasabi niyo’y ibinaba nito ang telepono. Pumikit at isinandal ang sarili sa silya. Hindi pinansin ang intercom. Halos mapunit ang leatherette ng armrest sa pagkakakuyom ni Franco.
Bumukas ang pinto. Si Dolly. “Sir, hindi ninyo... s ir? May masakit ba sa inyo?”
“Get out, Dolly,” tahimik nitong sinabi. At bahagyang umatras ang sekretarya na kinabahan.
“N-nasa labas ho si Mr. Delgado...”
Kitang-kita ni Dolly ang paggalawan ng mga muscles sa mukha ng boss. Hindi nito maisip ang dahilan pero sa panahong panunungkulan niya rito ay hindi pa nito nakitang nagalit si Franco nang ganoon.
“Send him in...” walang emosyon nitong utos. Mabilis na lumabas si Dolly. Muling bumukas ang pinto at isang mataas na lalaki ang pumasok. Nagsalubong ang mga kilay nito sa anyo ni Franco.
“May problema, pare?”
“Lagi namang mayroon, `di ba?” matabang niyang sagot. Huminga nang malalim. “Ano ang balita?”
“Tama ang hinala mo, pare. Kanya ang kompanya. Fake ang registration sa SEC, I checked it out. Actually, hindi naman sa kompanya ginagawa ang canning kundi ipinapakontrata din sa ibang canning factory. Kung bakit kailangang magpalugi ng libo-libong pera ay hindi ko alam, Franco...”
“Hatred, Jude, hatred...” aniya na tumaas ang isang sulok ng bibig. “It’s a pleasure to kill him by myself,” mapait niyang sinabi.
“Hindi mo gagawin iyon, Franco. Kilala kita para gawin ang ganoon karahas na bagay.”
“I might, Jude. My wife is with him right now.”
“Ano!”
Huminga nang malalim si Franco. “Narinig mo. Gusto ko nang mawalan ng kumpiyansa sa sarili. My wife, can you imagine that?”
Napapailing si Jude. “Pero hindi ba sinabi mong walang muwang si Bea? Naive, unaffected, and...”
“Hindi ko alam. Money perhaps,” pagkatapos ay umiling. “No. Alam ni Bea na akin ang Rancho Sebastian and that alone made me a ten fold richer than that bastard!” Pagkatapos ay pinukpok ang mesa. “Maybe he’s good at fuc…oh! Hindi ko na alam ang iisipin, Jude. Hindi ko na alam! I could kill them both right now!”
“`Pag ginawa mo iyon ay napagtagumpayan ka ni Jerome, Franco. Pagtatawanan ka niya. Ang pagbagsak mo lang ang hinihintay niyang mangyari.”
“Ilang beses ko na siyang hinamon ng suntukan, pare. Pero hindi pumapatol ang anak ng...” g usto nang madurog ng mga ngipin nito sa matinding pagtatagis. “I hit him many times before at ayokong gawin uli although he tried to provoke me sa maraming pagkakataon. Hindi ko siya bibigyan ng dahilan para muling ilagay sa peryodiko ang pangalan ko.’’
“Duwag si Jerome, Franco, Hindi ka niya lalabanan nang patas o nang mano-mano. Iba ang paraan niya. More destructive and dangerous.”
“Asawa ko ang pinag-uusapan ngayon, Jude, asawa ko, I and it’s really my pleasure to kill that sonofabitch!”
“That is exactly what he wants, ang mawala ang kontrol mo at gawan mo siya ng damage and even risking his body and limbs. And he will love to see you behind prison bars, Franco. Huwag kang mahulog sa trap niya.
Pumikit si Franco. Kaninang umaga ay tinawagan niya si Jerome para balaan itong layuan si Bea pero pinagtawanan lamang siya nito at sinabing hindi niya maaawat ang asawa sa pakikipagkita rito. At gusto niyang mamatay at pumatay sa kaisipang nasa piling ni Jerome si Bea sa sandaling ito. Pagkatapos ay dinampot ang telepono at dumayal. Subalit busy ito. Sa loob ng beinte minutos na pag-dial ay puro busy signals ang naririnig niya. Ibinagsak niya ang telepono at tumayo.
SA unit ni Jerome ay nasa loob ng silid si Bea.
“Are you sure na okay ka lang kung iiwan kita ngayon?” Nag-aalalang tanong ni Bea sa binatang nakahiga sa kama. May cold pack sa noo.
“I will be fine, Bea,” paniniyak ni Jerome na suminghot at umubo.
Tumango siya at tiningnan ang relo sa braso. Hindi niya gustong magtagal pero nakiusap pa si Jerome na ipagluto na lang niya ng hapunan.
“Ikinalulungkot ko ang mga nangyari, Jerome,” muli nitong sinulyapan ang nangingitim na mata ng binata. “I wish I could do something para magkasundo kayo”
“Don’t ever try, Bea.” sagot nito. “But thank you, anyway. Huwag kang mag-alala, hindi ako mamamatay sa suntok ng asawa mo,” at tumawa ito. ‘Not even this damned cold.”
“Are you sure na wala kang gamot na ipabibili? Bakit kasi wala ka man lang katulong dito?”
“Bea, this is a bachelor’s pad.”
Tumango siya at tumayo. “Aalis na ako, Jerome, call me kung may kailangan ka.”
“Bea,” pahabol ni Jerome.
“Natitiyak mo bang magugustuhan ni Franco ang suhestiyon mong bumili ako ng share ng FN Canning?”
“Dating family corporation iyon, `di ba?” Tumango si Jerome. “Hindi ipagkakait sa iyo ng asawa ko ang pagnanais na maging isa ka sa mga director when you are his brother by affinity,” nasa bukana na siya ng nakabukas na pinto ng sumagot. Bigla siyang napalingon nang bumukas ang pinto sa sala.
“Franco...”
Si Franco nang mga sandaling iyon ay hindi malaman kung paano kalmahin ang sarili at magpigil upang huwag manakit at makapatay ng tao. Itinuon ang tingin sa lalaking nakahiga sa kama na bale-walang ngumiti at sa asawang nasa bukana ng pinto ng silid palabas who was wearily watching him.
Ikinuyom nito ang mga palad na halos maglabasan ang mga ugat at muling lumabas ng pinto. Hinila pasara na halos muntik ng magpahulog sa mga nakasabit na painting sa dingding.
Umubo si Jerome. “Go home, Bea. I could smell trouble.”
Si Bea ay sandaling hindi nakakilos sa kinatatayuan. May mali ba sa nangyayari? Ang titig na ibinigay ni Franco sa kanya ay tila papatay ito ng tao.
NAGULAT pa si Bea nang makitang may mga maleta sa loob ng silid nila ni Franco.
“Ano ang ibig sabihin nito, Franco?”
“Aalis ka ngayon din, Bea...” malamig nitong sinabi.
Nagugulumihanang tumingin sa asawa si Bea. “Aalis? Bakit? Saan ako pupunta?”
“Wala akong pakialam kung saan ka man magpunta. Just get out of my house!”
“B-but why?”
“Hindi ako makapaniwalang tinatanong mo sa akin iyan matapos kang makipagtagpo sa lalaki mo!” Sumisigaw na ito sa galit.
“Lalaki! For goodness’ sake, Franco, alam mo kung bakit ako nagpunta roon. Kailangan ako ni Jerome dahil...”
“Talaga?” agap nito. Tumaas ang isang sulok ng bibig sa patuyang paraan. “That is what i liked best in my women. Honesty. Bloody honesty! Pero mas masahol ka pa kay Lucinda, Beatriz. At least, she wasn’t married to me yet nang mapagpasyahang hindi pala kami bagay!”
“Franco, hindi mo alam ang sinasabi mo. May sakit si Jerome and you hit him at...” she tried to explain.
“Iyan ba ang sinabi niya sa iyong sabihin mo sa akin?” Naglalabas ng apoy ang mga mata nito sa galit. “Wala pa akong sinaktang babae sa buong buhay ko, Bea. Pero gusto kitang patayin sa oras na ito!”
“Wala kaming ginagawang masama ni Jerome, Franco. Maniwala ka! Naroon ako upang ihingi ng dispensa ang ginawa mo sa kanya at ipagluto siya ng kaunting sopas. That was the least I could do after what you did to him.”
Pero hindi naririnig ni Franco ang sinasabi niya. “Get out, Bea. Tawagin mo ang driver at magpahatid ka kung saan mo gustong magpunta at wala akong pakialam!”
Manghang nakatitig si Bea dito. Hindi makapaniwalang naririnig niya iyon sa asawa. Nang hindi siya tumitinag ay humakbang patungo sa pinto si Franco.
“Pagbabalik ko ay inaasahan kong wala ka na!” Lumabas ito at pabagsak na isinara ang pinto.
Wala sa loob na umupo sa gilid ng kama si Bea. Hindi maunawaan ang nangyayari. Ano ang mali sa ginawa niya? Sinabi sa kanya ni Franco na huwag makipagkita kay Jerome kahit kailan pero sinuway niya iyon. Pero sapat ba iyon para maging dahilan upang ipagtabuyan siya ng asawa? Surely, hindi totoo sa loob ni Franco ang sinasabi nito.
Sinulyapan niya ang tatlong malalaking maletang kinapalooban ng mga gamit niya. Mga gamit na binili ni Franco para sa kanya. Hindi niya maintindihan kung ano ang iisipin at gawin pero kinatatakutan niya ang ibinabadya ng mukha ni Franco. Hindi dahil sa sasaktan siya nito kundi kinatatakutan niya na totoong itinataboy siya nito.
Bumukas ang pinto at sumungaw si Erlinda. Napatayo siya upang yakapin sana ito nang pigilan siya ng anyo ng biyenan.
“M-Mama...”
“Hindi ako makapaniwalang magagawa mo iyon, Bea,” wika nito sa kontroladong tinig bagaman hindi ikinakaila ang galit. “You could have gone to any man and it would have been less painful. Pero kay Jerome? Naglagay ka ng asin sa sugat ng pagkalalaki ni Franco.”
Magkadikit na ang mga kilay niya. “Hindi ko naiintindihan ang lahat ng ito, Mama. Wala akong nauunawaan maliban sa wala akong ginagawang masama. Hindi ako nagtungo kay Jerome para pagtaksilan ang asawa ko tulad ng gusto ninyong sabihing dalawa ni Franco.”
“Magsisinungaling ka bang may relasyon kayo ni Jerome, Bea? i kaw mismo ang nagsabi na kailangan ka niya.”
“Of course dahil talaga namang doon ako patungo. Pero hindi tulad ng iniisip ninyo. Tumawag si Jerome upang sabihing maysakit siya at dumating doon si Franco at sinaktan siya nang dahil sa akin,” paliwanag niya. At bahagya siyang nakadama ng ginhawa nang makita ang panandaliang kalituhan sa mukha ng biyenan. Pero sandali lang iyon. Muling tumigas ang mukha nito.
“Ang huling pagkakataong nagpang-abot si Franco at Jerome, Bea, was three years ago nang sa harap ng maraming tao ay hagkan ni Jerome ang escort ni Franco sa party na pareho nilang dinaluhan...”
“S-sinabi ni Jerome na sinaktan siya ni...”
“Nagsisinungaling siya! Kinabukasan pagkatapos ng gabing iyon ay nalagay sa diyaryo si Franco. Pananakit. At mula noon, Franco learned his lesson. p ino-provoke lang siya ni Jerome para may dahilan ito upang hiyain ang anak ko.”
Naguguluhang napapailing si Bea. “Hindi ko naiintindihan ito. Ganoon naman pala at alam ni Franco na ginagawa lang ni Jerome ang ganoon para galitin siya ay bakit kailangang ipagtabuyan niya ako dahil lang nakipagkita ako dito sa maling akala?”
“Binawalan ka niyang huwag kausapin o makipagkita dito, hindi ba?” Tumango si Bea nang wala sa loob. “But you insisted on seeing him.”
Naguguluhang umiling siya. “My mistake, inaamin ko. Pero Jerome was so nice at ipinahiwatig nito sa akin na siya ang aggrieved party and that he wants to be treated as one of the family pero si Franco ang matigas,” pagkatapos ay tumingala sa biyenan. “Pero, Mama, maniniwala ba kayong pagtataksilan ko ang asawa ko?”
Hindi kumibo si Erlinda. Matiim na tinitigan ang kalituhan sa mukha ng manugang. Nagkamali ba siyang itawag kaagad kay Franco ang bagay na iyon?
“Nagsasabi ka ba ng totoo, Bea?” alanganing tanong nito.
“I love my husband. Inibig ko siya hindi ko pa man nakikita. And I can’t believe everybody is accusing me of infedility.” g usto nang tumulo ng luha sa mga mata niya pero tumingala siya upang ibalik iyon.
Huminga nang malalim si Erlinda at umupo sa sofa. “Patawarin mo ako, Bea. Naging padalos-dalos ako sa pagpapaalam kay Franco ng kinaroroonan mo...”
“Pero hindi ko ikinaila iyon,” katwiran niya para sa biyenan. “...and I wasn’t even surprised nang dumating siya roon. Ang ikinapanlumo ko lang ay ang nakita kong galit sa mukha niya. At iyon man ay inisip kong dahil galit pa siya kay Jerome at sa akin na rin dahil nagpunta ako roon...”
Tumango si Erlinda. “It’s all my fault. But sooner or later ay gagawa at gagawa rin si Jerome ng paraan upang masira ang pagsasama ninyo ni Franco. Kung hindi man nangyari ito ngayon iyon, maaaring bukas o sa makalawa. Ang tanging pagkakamali namin ni Franco ay ang hindi pagsasabi sa iyo ng totoong ugnayan ng dalawang lalaki.”
“Ano’ng ibig ninyong sabihin?”
“Jerome hated my son so much he will do anything to destroy him.”
Naguguluhang napailing si Bea. “Pero bakit, Mama?”
“Simpleng pananaghili na nauwi sa pagkasuklam. Jerome resented our presence sa buhay nila ni Arsenio. At kinasuklaman niya si Franco sa pagiging malapit ni Arsenio dito. Lagi na ay nagpapasimula ng basag-ulo si Jerome kahit na gustong umiwas ni Franco. But you know your husband, kaunti lang ang pasensiya at mainitin din ang ulo. At sa maraming pag-aaway ng dalawa mula pa noong araw ay hindi pa nanalo si Jerome kahit minsan. Sa escuela, sa away, sa babae, hindi tinalo ni Jerome si Franco.
“Of course, guwapo rin si Jerome, but Franco has an endearing traits na nagpapalapit dito sa mga babae even when he was young. At iyon ay sa kabila pa rin ng kabruskuhan at roughness ng anak ko. Lalo itong nasuklam nang ipaalam ni Arsenio sa amin na hindi ito tunay na anak bagaman pantay ang distribution ng mana sa aming tatlo.”
“H-hindi ko... akalain, Mama...” marahan niyang usal. Naging biktima siya ng walang katapusang alitan ng dalawang lalaki. Pero siya nga lang ba? O silang dalawa ni Franco? Tumayo si Bea. “Kung ganoon ay dapat na ipaunawa ko iyan sa anak ninyo. Nasaan ba ang mga katulong at nang maibalik ang mga gamit ko sa kabinet?”
“Ikinalulungkot kung hindi ganoon kadali, Bea...” g ustong maiyak ni Erlinda sa nangyayari.
“Ano ang ibig ninyong sabihin?”
“Mahirap mong ipaliwanag kay Franco sa sandaling ito ang mga bagay na iyan at umasang paniwalaan ka.”
“Pero bakit hindi siya maniniwala? Naniwala kayo sa akin, Mama, at mahal ako ng asawa ko para hindi niya paniwalaan ang katotohanan...” giit niya.
“Dahil sa pag-ibig na iyan kaya hindi maniniwala si Franco, Bea. Ididikta ng isip at pride niyang huwag maniwala sa iyo. Mahal ka niya, nakikita ko iyon. Sampung dobleng higit kaysa sa pagtinging inukol niya kay Lucinda kung minahal nga ba niya ito...”
“Ganoon naman pala’y...”
“Dahil si Jerome ang lalaking sinamahan ni Lucinda kaya hindi ito dumating sa araw ng kanilang kasal!”