noveltoon logo noveltoon
Franco Navarro (Kristine Series 7)

Chapter 7

Ch. 8 / 12 Nov 28, 2025

Chapter Seven

“H INDI ko alam kung dapat kong ikagalak o dapat kong pagpapatayin ang mga lalaking kanina pa nakatingin sa iyo,” amused na sinabi ni Franco sa asawa habang kumakain sila sa Bahia, sa 14th floor sa Intercon.

Lumabi ang dalaga. “And what about those women whose eyes are eating my husband?”

“I have my eyes for you only, sweetheart...”

“Na para bang interesado ako sa mga nakatingin sa akin. Why, Adonis will pale in comparison with you, darling.”

Banayad na natawa si Franco. Iniba ang usapan. “Hindi mo ba nami-miss ang buhay sa rancho?”

Huminga nang malalim si Bea. “Siyempre. Doon ako nagkaisip at lumaki. And I miss, Nicky, too. Pero mananatili ako sa tabi mo, Franco, kahit pa saang dulo ng lupa mo gustong manatili.”

Sumandal si Franco at nag-isip. “Maraming problema sa pabrika, sweetheart, sa panahong ito. Kung hindi lang, gusto kong umuwi tayo ng Sto. Cristo at asikasuhin ang rancho. I owe it to my mother. Maliban pa sa inheritance iyon ng magiging mga anak natin.”

“You’ve been really busy these past few days. Napupuna ko iyon. Ginagabi ka sa library...”

“May nagsisikap na mawala sa akin ang pabrika. Noong una’y binulabog ako ng health department gayong malinis ang canned processing ng mga pagkain. Mas malinis kaysa sa ibang food company, comparatively speaking. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit hindi talaga tayo makapagbakasyon sa honeymoon natin.”

“Thanks a lot!” natatawang sagot ni Bea na hindi gaanong napuna ang pagiging seryoso ng tinig ni Franco tungkol sa problema sa pabrika. “Busy ka pa niyang lagay na iyan, ha, but you never allowed me a good night’s sleep, darling.”

Nagsalubong ang mga kilay ni Franco in slight amusement. “Do I detect some complain from my wife whose lust matches mine?”

“Of course not.” p inamulahan siya ng mukha pero alam niyang nanunukso ang asawa. “Kaya lamang nagtataka ako kung saan ka pa kumukuha ng lakas, Franco.”

“You can drive a man crazy, my sweet. At may palagay akong hindi ako makakatulog without making love with you first.”

“Sabihin mo sa akin iyan ilang taon mula ngayon...” natatawang sagot ni Bea.

“I would still lust for you, sweetheart, when I turned sixty-four.” He smiled devilishly. Sasagot sana si Bea nang may lumapit sa kanila.

“Hello, Franco. Hindi mo ba ako ipakikilala sa magandang binibining kasama mo?”

Sabay na lumingon ang dalawa. Hindi napuna ni Bea ang biglang pagtigas ng mukha ng asawa. Ang nakatayo sa tagiliran ng mesa ay isang mataas at guwapong lalaki with a friendly smile on his lips.

“Ikaw pala, Jerome,” malamig na tugon ni Franco. “I want you to meet my wife, Bea. Sweetheart, si Jerome Gascon, my stepbrother by marriage.”

“Hello, Jerome. I am so pleased to meet you,” nakangiting bati ni Bea na naglitawan ang magkabilang dimple sa pisngi. Ang dami pa talaga niyang hindi alam tungkol sa pamilya ng asawa niya. At isiping bagaman hindi naman sa dugo ay kapatid na rin ni Franco ang lalaking ito.

“Wife!” Hindi maikakaila sa tinig ni Jerome ang matinding pagkabigla. Subalit sandali lang iyon at muling ngumiti. “So, totoo pala ang nakalagay sa column ni Maureen. Ang buong akala ko ay gumagawa na naman ng gimik ang baklang iyon. Why wasn’t I invited to the wedding?”

Si Bea ang sumagot. “Oh, our wedding was so quiet and simple, Jerome. Wala talagang inimbita si Franco.” Her voice apologetic. Jerome is family at dapat ay inimbita ng asawa.

“Blast you, Franco,” nakangiting sinabi ni Jerome. “Why didn’t you give this beautiful woman a grand wedding? Kung ako ang unang nakakilala kay Bea, siya ang tatanghaling pinakamagandang bride sa dekadang ito.”

Pinamulahan ng pisngi si Bea sa flattery ganoon pa man ay hindi maikakailang nasisiyahan.

“And she’s really blushing!” bulalas ni Jerome na hindi napuna ang pagiging tahimik ni Franco o sadyang hindi pinapansin. “Do they still produce girls who blush?”

Natawa si Bea. “Maupo ka, Jerome, and join us.”

“Franco?” Nilingon ni Jerome si Franco.

“Sure,” sagot ni Franco na hindi magawang tutulan ang ginawang pag-anyaya ng asawa. “Order what you like.”

“Sagot ko ang mga ito. Delayed blow-out ko sa inyong dalawa...”

“No, don’t bother...” ani Franco sa naniningkit na mga mata. Nagsalubong ang mga kilay ni Bea sa nakitang ekspresyon ng mukha ng asawa.

“Please, Franco. Give me this honor.” Nakikiusap ang tinig ni Jerome.

“Of course.” s i Bea na ang sumang-ayon na nilingon ang asawa upang ipahiwatig na pumayag na. Nagkibit ng mga balikat si Franco. Naupo ang lalaki sa kanang-tagiliran ni Bea. Tinawag ang waiter at umorder ng isang shot ng brandy.

“How’s your wife, Jerome?” tanong ni Franco na hindi naman interesadong talaga kundi gumagawa lang ng mapag-uusapan upang huwag matuon ang atensiyon ni Jerome kay Bea.

Nagkalambong ang mukha ng lalaki. “Hindi natuloy ang kasal namin, Franco. Mukhang pareho tayo ng sinapit, brother,” pagkatapos ay ngumiti. “Kaya heto at binata pa rin at napakapalad mo talaga para makilala mo ang isang tulad ni Bea. No wonder pinakasalan mo siya kaagad sa sandaling panahong nagkakilala kayo.” k umikislap ang mga mata nitong tinitigan si Bea. May panghihinayang doon.

“Bolero ka talaga, Jerome. Pero hindi kami kailan lang nagkakilala ni Franco. We’ve been engaged eighteen years ago,” pagtutuwid niya.

“Eighteen years ago!” bulalas ng lalaki. Pinaglipat-lipat ang tingin sa dalawa. Natatawang ikinuwento ni Bea ang pangyayari.

“At hindi ko masisisi si Franco na pakasalan ka kaagad, Bea. I would have done the same thing without hesitation. Permit me to say, Franco, but your wife is a ravishing beauty.” Nasa tono nito ang sinseridad na may kasamang panaghili.

“Thank you, Jerome,” matabang na sagot ni Franco. Tiningnan ang relo at pagkatapos ay si Bea. “Let’s go, sweetheart. Naghihintay ang Mama na daanan natin sa parlor.”

“Must you really go?” Si Jerome sa dalawa.

“We’re very sorry, Jerome, pero baka nga pala nainip na ang Mama. Pumasyal ka naman sa bahay,” anyaya ni Bea na tumayo na rin nang tumayo ang asawa.

“You bet I will. Matagal ko na ring hindi nakikita ang t ita Erlinda. See you both and I really am glad to have met you, Bea.”

Nasa kotse na sila nang magtanong si Bea sa asawa. “Bakit malamig ang pakikitungo mo kay Jerome?”

“Did you notice?” sarkastikong sagot nito. “Nakita kong hindi ka makahinga sa mga papuri niya sa iyo.”

Ngumiti ang dalaga. “So you’re just jealous.” i yon ang inisip niyang dahilan kaya malamig ang pakikitungo ni Franco kay Jerome.

Hindi kumibo si Franco. Hinayaang iyon ang isipin ni Bea. Anyway, totoong nagseselos siya, among other things. Inihilig ni Bea ang ulo sa balikat ni Franco.

“Hindi mo kailangang magselos. I was nice and friendly dahil ganoon din siya. Isa pa, kapamilya ninyo iyong tao. Bakit nga pala hindi mo siya inimbita noong kasal natin?”

“He was out of the country at that time,” kaila ni Franco.

Ngumiti si Bea. “Nakatutuwang isipin na pareho kayong magandang lalaki ni Jerome, of course, higit kang magandang lalaki sa kanya sa anumang paraan, pero pareho kayong nawalan ng bride. Those women must be really out of their minds.”

Hindi sinagot ni Franco iyon at ipinagpatuloy ang tahimik na pagda-drive. Hindi na rin nagtanong si Bea nang mapansing wala na sa mood ang asawa. Siguro ay talagang nagselos ito nang husto. At nakadama siya ng kasiyahan doon.

SA loob ng sumunod na mga araw ay totoong naging abala si Franco sa pabrika. Dalawang malalaking job order mula sa kilalang kompanya ng gatas ang nawala sa kanila. Isang bagong tayong kakompetensiyang kompanya ang sumulot at nag-dive nang husto ng quotation.

Naging malaking kawalan sa kompanya ang nangyari. At sa loob ng sunod-sunod na araw ay nasa boardroom ito at nakikipag-meeting sa mga executive at direktor ng kompanya.

“I’ll handle marketing, Franco, kung papayag ka.” s i Bea isang gabing umuwing pagod ang asawa.

“At ano ang gagawin mo sa marketing, Bea?” angil nito. “Hindi pa ako namumulubi. I can still provide for you.”

Huminga nang malalim si Bea. “Alam kong pagod ka kaya nagagalit ka nang ganyan. Pero puwede bang makinig ka muna...”

“Go and talk pero huwag mong sabihin sa aking magtatrabaho ka.” h inubad nito ang suot na amerikana at inihagis sa lounge.

“Male chauvinist,” tukso niya. Sinisikap na gantihan ng ngiti ang iritasyon sa mukha ng asawa. “But anyway balik tayo roon sa sinasabi ko. Ang sabi mo ay kinakabahan kang mawala na naman sa inyo ang susunod na orders ng isang meat company to canned their products. Sino ba ang kumakalaban sa kompanya?”

“Bago. Hindi ko kilala.” h indi na sinabi sa asawang pinaiimbestigahan nito. “We estimated his quotation with our previous customers at through spys ay nalaman kong halos breakeven lang. Hindi ako makapaniwala at lalong hindi ko masabing gumagamit sila ng lesser gauge ng tin plates para sa lata dahil istrikto ang Daffodil Milk doon.”

“I’ll handle sales and marketing, darling,” ulit ni Bea. “Just this once, please.” n akikiusap ang tinig niya. “At `pag hindi mo nagustuhan ang trabaho ko then I’ll go back to being a plain housewife.”

“Alam kong naiinip ka, Bea. Next sem ay ituloy mo ang pag-aaral mo. Pansamantala ay sige, pumapayag ako. But just this once. Ginagawa ko lang ito upang magkaroon ka ng exposure at nang hindi ka mainip,” mariing wika ni Franco.

“Thank you, darling.” i kinawit niya ang mga braso sa leeg ng asawa. “Now, are you too tired to join me in the shower?”

Ngumisi si Franco. “Now you’re making sense.”

NANG sumunod na mga araw ay magkasama sina Erlinda at Bea sa mga lakad. Si Bea ay dumarating sa opisina upang kausapin lamang sandali si Franco at alamin kung aling kompanya ang may pending orders for food canning.

Three weeks later, ang pinangangambahang order na baka hindi matuloy ay tinanggap ng FN Canning. Si Bea mismo ang naglagay ng JO sa mesa ni Franco.

“I can’t believe it!” nakangising bulalas ni Franco. “Paano mo ginawa iyon?”

Nagkibit ng mga balikat si Bea at ngumiti. “Hindi ka pa ba naniniwalang I can weave magic?”

“C’mon, sweetheart, don’t kill me with suspense...”

“Simple. But of course, sa tulong ng Mama at ng mga kaibigan niyang socialites. Inalam ko kung sino-sino ang mga taong involve sa placement ng orders sa mga customer ng FN Canning. I met with their wives and attended their afternoon parties or chitchat. Befriended them sa paraang hindi sila mag-iisip na may ulterior motives ako. A subtle politics here and there. Plus the fact that they really wanted to know how you married me. They felt young again and romantic and all that. A little exaggerated romantic Cinderella story on my part, and presto, ayan ang order.”

Hindi pa rin makapaniwala si Franco. “At ang akala ko ba ay nai-insecure ang mga babae sa iyo?”

“They still do, I’m sure. Pero hindi na mga bata ang mga ito. They’re middle aged women na mga asawa ng executives and they don’t feel threatened na baka maakit ko ang mga asa-asawa nila dahil alam nilang ikaw ang asawa ko. And it’s really very foolish of them to even think that I would even look at their husbands when you’re so gorgeous that they even want to covet you,” nakangising sinabi niya.

“Beatriz Navarro, you’re amazingly one of a kind,” mangha pa ring usal ni Franco. Her Bea is so young pero intelehente. Using her wits and beauty to help him. Matagal na nitong na-realize na rare and unique ang asawa. He just didn’t know how rare and unique she was.

“Now, do I get my job permanently?”

Sandali lang natilihan si Franco. Pagkatapos ay umiling. “Iyon ang una at huli mo, sweet wife.”

“But...”

“You can continue to attend their tea parties, mahilig diyan ang rich and famous. Nagtataka lang ako kung bakit hindi ganoon ang Mama. But to socialize hindi para magtrabaho. No wife of mine is allowed to work on her living. Tama na ang ginawa mo. I’m sure their husbands wouldn’t dare to displease their wives by giving order sa kakompetensiyang kompanya. Anyway, hindi naman sila ang personal na makikinabang sa natitipid kundi ang buong kompanya mismo.”

Nahimigan ni Bea ang finality sa tinig ng asawa. Humugot siya ng malalim na paghinga at nagkibit ng mga balikat.

“Kung iyon ang gusto mo.”