Chapter Eleven
M AHIGIT isang linggo na ang matuling lumipas at ganoon na rin katagal na hindi pumapasok sa opisina si Franco. Hindi nito masikmura ang presensiya ni Jerome sa kompanya at baka kung ano lang ang magawa niya rito.
“May bisita ka, Franco.” s i Erlinda na nilapitan ang anak na nasa bar at umiinom.
“Kung galing sa opisina, Mama, pakisabing...”
“Franco...” i sang dantay sa balikat ang nagpalingon kay Franco. Si Erlinda ay tahimik na iniwan sila.
“Lucinda?” alanganin niyang sinabi. Muntik na niyang hindi makilala ito. Tumanda gayong bata lamang ito sa kanya nang dalawang taon. Although, still tall and beautiful. “Ano ang kailangan mo?”
“Sabihin na nating gusto kong magbayad ng kasalanan...”
Nagsalubong ang mga kilay niya kasabay ng pagtatagis ng mga bagang. “May ganoon kang lakas ng loob na lapitan ako para sabihing gusto mong magbayad ng kasalanan? Hindi kita papatulan uli, Lucinda, kahit ikaw na lang ang kahuli-hulihang babae sa lupa!”
Napangiwi ang babae. “Ikinalulungkot ko ang mga nangyari, Franco. Maniwala ka. Pero wala akong magagawa dahil sa utang-na-loob ko kay Jerome hindi pa man tayo magkakilala. Pinlano niya ang lahat. Ipinakilala niya ako sa lipunan at ginawan ng paraan para magkakilala tayo. Ginawa ko ang lahat ng paraan upang mapalapit sa iyo at alukin mo ng kasal. Iyon ang plano ni Jerome at sadyang gawin ang huwag kang siputin sa araw ng ating kasal...”
Hindi makapaniwala si Franco sa narinig. “Lucinda, you could have asked money from me at handa kitang bigyan n’on ng kahit na magkano,” wika nito sa kontroladong tinig bagaman nag-uumapaw ang galit sa dibdib.
“Hindi pera ang kailangan ko, Franco. Mahal ko si Jerome and he promised to marry me `pag nagawa ko ang sinabi niya. Ang ikinalulungkot ko lang, hindi ka masamang tao at totoong nag-enjoy ako sa mga panahong pinagsamahan natin. But I loved him...”
“Ipinagamit mo ang katawan mo sa akin!”
Muling napangiwi si Lucinda. “I never wanted to, Franco. Out of decency dahil ginagamit din niya ako before at pagkatapos na hindi matuloy ang kasal natin, pero ipinilit ni Jerome na gawin ko pati iyon...”
Napapikit si Franco at inubos ang laman ng kopita. Pagkatapos ay muling hinarap ang babae. “Ano ang dahilan at narito ka ngayon?” wika nito sa mapanganib na tono.
“Hindi niya ako pinakasalan tulad ng ipinangako niya. Binigyan lang niya ako ng pera na sa kabaliwan ko ay hindi ko tinanggap at parang lokong nagmakaawang huwag niyang iwan. He did not. Nagkaroon siya ng babaeng makakatalik niya sa sandali ng pangangailangan. Mahal ko siya, Franco, mahal ko pa rin hanggang ngayon.” m ay bahagyang hikbi sa tinig nito. “Until last few weeks ago na makilala niya ang asawa mo. Para siyang baliw na umaasam na sa sandaling maghiwalay kayo ni Bea... was it her name?”
Wala sa loob na tumango si Franco.
Nagpatuloy si Lucinda. “Na sa sandaling magkahiwalay kayo ay sa kanya tatakbo ang asawa mo. Sinabi niya sa aking mahal niya ang asawa mo. Totoong mahal. Gusto kong mabingi sa mga sinasabi niya tungkol sa asawa mo. That she’s young, sweet and beautiful, and innocent. Balewala sa kanya kung galing na sa iyo si Bea dahil sa sandaling iwan mo ang asawa mo ay yayayain niya itong mangibang-bansa.
“At gagawin niya ang lahat upang hiwalayan mo si Bea. Two birds in one stone, nakaganti siya sa iyo, nasa kanya pa si Bea. Hindi ko kayang tanggapin iyon, Franco. Ang malamang may ibang iniibig si Jerome. Sa kabila ng lahat ay hindi ko magawang mamuhi. At kaya ako narito ay para sabihin sa iyong huwag mong paniniwalaan ang mga pakana niya para sirain ang pagsasama ninyo ng asawa mo.”
Inikot niya ang tingin sa buong mansiyon. Pinuno ng hangin ang dibdib. “Bakit ngayon ka lang, Lucinda?” He asked in a pained voice.
“Sa kahuli-hulihang pagkakataon ay umaasa pa rin akong magbabago ang damdamin ni Jerome sa akin,” marahang wika nito. Hindi gustong isiping huli na ang ginawang pakikipag-usap.
“At sa kahuli-hulihang pagkakataon, Lucinda, gusto mo pa rin bang makisama sa lalaking iyon?”
“Lalabas ako ng bansa, Franco. Magpapanibagong buhay. Hindi siguro madaling kalimutan ang pag-ibig ko sa kanya pero susubukan ko. Wala akong laging iisipin kundi ang mga kasamaang idinulot niya sa kapwa at sa sarili. Forgive him, Franco, he’s probably sick. At patawarin mo rin ako.” Humakbang palabas si Lucinda.
“Hindi ko gustong magpasalamat, Lucinda, pagkatapos ng mga nangyari. Ganoon pa man, maraming salamat sa iyo. Kung kailangan mo ng tulong ko, financial or otherwise, give me a call,” pahabol ni Franco.
Ngumiti lang si Lucinda. Ngiting hindi umabot sa mga mata.
“ANO ANG bibilhin natin sa tindahan ni Mrs. Lauriano?” Si Nicky sa kaibigan.
“As usual, gasa sa coleman at alcohol at patuka para sa mga alaga kong texas.”
“Hindi tayo dapat nagpunta dito dahil medyo namumukol na ang tiyan mo. Lalo lamang lalaki ang tsismis sa iyo,” nag-aalalang wika ni Nicky.
“Bayaan mo sila. Nagkaasawa ako at hindi bastardo ang nasa tiyan ko. Halika na nga.” Nagpatiuna na siyang pumasok sa loob ng malaking tindahan. Agad silang natanawan ni Mrs. Lauriano at ng anak nitong dalaga.
“Hello, Monica,” sabay na bati ng mag-ina sa dalaga. Pagkatapos ay natuon ang pansin kay Bea. “Balita namin ay nasa rancho ka na nga raw uli, Bea.”
“Dalawang linggo nang mahigit, Mrs. Lauriano. Bibili ho ako ng gasa at alkohol para sa coleman...,” s ubalit hindi nito pinansin ang sinabi niya at sa halip ay bumaba ang tingin sa tiyan niya.
“Mataba ka ngayon. b untis ka ba?”
“Sino naman ang ama, m ommy,” ang anak nitong dalaga na nagtaasan ang mga kilay.
“May asawa ho si Bea, Mrs. Lauriano,” pagtatanggol ni Nicky na gustong suntukin ang nakaismid na mukha ng matandang babae. “Mrs. Navarro na siya ngayon...”
“Hay, naku, Monica, ewan ko ba sa iyo kung bakit hanggang ngayon ay matiyaga ka riyan kay Bea. Alam mo namang ilusyunada iyan. Mrs. Navarro daw. Pati ba naman ang apo ni Don Alvaro na hindi naman nagpapakita ay iniilusyon niyan. Nagpunta ng Maynila at umuwi nang buntis. Lagi namang ganyan, `di ba? Sige na nga, Mayet, pagbilhan mo ng gasa...”
“Narinig ko bang binanggit ang pangalan ko o nakaringgan ko lang.” i sang tinig na kilalang-kilala ni Bea ang biglang nagpalingon sa kanya. Sunod-sunod ang kabog ng dibdib.
“F-Franco...”
“Hello, sweetheart,” bati nito sa asawa kasabay ng paghalik sa pisngi at paghapit sa baywang niya. Ngumiti kay Monica. “And this must be Nicky?”
“Y-yes.” s i Nicky na napatingala sa mataas at guwapong lalaki sa harap. t rying to suppress her gasp and admiration.
“Well, I’m pleased to meet you, Miss Nicky. Ako si Franco Navarro, needless to say, Bea’s husband.” i niabot nito ang kamay sa dalaga na atubiling tinanggap. Pagkatapos ay binalingan ang nakatangang si Bea. “Sweetheart, why don’t you invite your friend here para sa church wedding natin bilang siyang maid of honor.”
Tumikhim si Mrs. Lauriano upang makakuha ng atensiyon. Ang anak nito ay namamalikmata pa ring nakatingin kay Franco. Si Bea ay tumingala sa asawa.
“Franco... sila si Mrs...” h indi niya natapos ang sasabihin dahil kinabig at hinila siya ng asawa palabas.
“Let’s go, sweet wife, at baka naiinip na ang Mama. Iniwan ko sa rancho at sinabi nga n’ong matandang naroon na narito ka nga.
Muling tiningala ni Nicky si Franco at pagkatapos ay bumulong kay Bea. “You told me he’s handsome, but you never told me how handsome...” akusa nito. Siniko ni Bea ang kaibigan.
Nasa labas na sila nang humiwalay si Nicky. “Well, alam kong kailangan ninyong mapag-isa. Isa pa dala ko ang pickup. Bye,” wika nito na kumaway sa dalawa.
“Hindi mo kailangang gawin iyon,” ani Bea kay Franco.
“Ang alin?”
“Ang hindi pansinin si Mrs. Lauriano at si Mayet.”
“I am not as unforgiving as you are.” b inuksan nito ang w rangler jeep sa tabi niya at pinasakay siya. Umikot sa driver’s seat si Franco at pinatakbo ang jeep.
Isang mahabang katahimikan ang namagitan. Nasa loob na sila ng rancho nang ihinto ni Franco ang jeep sa pagitan ng dalawang malaking puno ng narra.
“Gusto kong bumaba, halika,” anyaya nito at inabot ang pintuan ng asawa at binuksan. Inikot ni Franco ang paningin sa buong lupain. Walang maririnig kundi huni ng mga ibon at pagaspas ng mga damo at dahon na hinihipan ng hangin. “I have almost forgotten this breathtaking place,” wika nito na sinuyod ang lupaing pag-aari.
Sumandal sa jeep si Bea at pinanood ang asawa na ang mga kamay ay nasa loob ng pantalong maong. Kung nananaginip siya ay hindi niya gustong magising. Lumingon si Franco at hinagod siya ng tingin.
“And I have almost lost my own paradise,” patuloy nito. His eyes tender.
Nagsalubong ang mga kilay ni Bea. “Sa iyo ito ipinamana ni Don Alvaro, paano mong maiwawala?”
“I was referring to you, my sweet. Sa pamanang iniwan sa akin ni Alfonso.” Umiwas ng tingin si Bea. Nag-init ang sulok ng mga mata.
“Totoo ba iyong narinig ko? Are you pregnant?” he asked softly. May kislap ng kagalakan ang mga mata.
“Hindi naman halata pa, `di ba? It’s only six weeks old,” nakangiti niyang sagot bagaman nanakit ang lalamunan sa pagsisikap na pigilin ang pag-iyak.
“Ipapaalam mo ba sana sa akin kung hindi ako dumating?”
“Siyempre. Asawa kita. I have never given you up, Franco. Alam kong isa sa mga araw na ito ay darating ka.” h indi niya mapigil ang pagkabasag ng tinig.
Muling namagitan ang katahimikan. Nakikita niya sa mukha ng asawa ang pain and agony at higit siyang nasasaktan.
“Bea...” he said brokenly. “I am so...”
“I love you, Franco,” agap niya. Unti-unting namuo ang luha sa mga mata. “I love you so much...”
Tumingala si Franco at pinuno ng hangin ang dibdib. Pagkatapos ay muli siyang tinitigan. “Hindi ko alam kung ano ang una kong sasabihin sa iyo...”
“First, tell me you love me, and then how you missed me, and how you wanted and longed for me in all those nights na wala ako sa tabi mo...” t umulo na ang mga luha sa mata niya. Sunod-sunod.
Dalawang hakbang ang ginawa ni Franco at ikinulong sa mga bisig ang asawa. Mahigpit na halos magpapugto sa hininga ni Bea.
“Nalimutan mong idagdag how I ached every minute of those sleepless nights...” bulong nito na isinubsob ang mukha sa buhok niya. “Forgive me, sweetheart...”
“Sshh...” aniya. Hindi makuhang magsalita sa malayang pagdaloy ng mga luha na gustuhin man niyang pigilin ay ayaw magpapigil.
“I love you with every beat of my heart and I missed you, sweetheart, and I don’t know what I would do without you in my life.” i tinaas nito ang mukha ni Bea at sinuyod ng tingin ang mukha bago siniil ng halik ang mga labi niya and kissed her tears away. Naramdaman ni Bea na umangat siya sa lupa. Itinaas siya nito at iniupo sa hood ng jeep. “You’re so small at gusto kong yakapin ka nang buong-buo, my sweet wife...”
Hinawakan ni Bea sa mukha ang asawa. “Hindi ko itatanong kung ano ang nangyari at mahal mo na ako uli pero may isa lang akong gustong malaman, Franco, at gusto kong magsinungaling ka.”
Nagsalubong ang mga kilay ni Franco. “Gusto mong malaman ang totoo, `tapos pinagsisinungaling mo ako?”
“Iyong bisitang...” h indi niya naituloy ang sasabihin. Tinakpan ng daliri ni Franco ang mga labi niya.
“Isang guest room lang sa ibaba ang may gumaganang aircon, if you remember, at iyon ang gamit ko. Doon ko pinatulog si Daisy dahil nakakahiya naman na sa laki ng mansiyon ay hindi napagtuunan ng pansin ang mga air-conditioners. Doon ako natulog sa dapat na sa kanya. At hindi ako nagsisinungaling. Bea. At hindi ko magagawa iyon sa loob ng bahay natin kahit pa sabihing nagagalit ako sa iyo sa mga panahong iyon. And most of all, I do not want any woman in my arms but you...”
She smiled. “Naniniwala ako, Franco...”
“Sinaktan kita, Bea... at hindi ko maipapangakong hindi kita muling masasaktan sa mga araw na darating... but promise me, sweetheart, that you won’t give me up, na ipaglalaban mo ang pag-ibig mo sa akin tulad ng ginawa mo ngayon.”
“I will always love you, my darling, and I’ll be damned kung basta na lang kita papayagang makawala sa akin for the next fifty years of our lives,” nakangiti siya bagaman malabo na ang tingin niya sa asawa sa muling pamumuo ng mga luha.
Muli siyang hinagkan ni Franco kasabay ng pag-angat sa kanya mula sa hood ng jeep at ibinaba siya. “Tara doon.” i tinuro nito ang bahaging malilim at madamo.
“Hindi pa ba tayo uuwi?”
“Later, sweetheart, mahaba pa ang biyahe pauwi sa villa and I couldn’t wait,” his eyes sparkling. “Subukan natin sa damuhan... where all the birds and the trees and the hills can watch us... even bulls and mares kung may natitira pa.”
“Really.” t umaas ang mga kilay ni Bea. “...tiyakin mo lang na walang insektong madidikit sa likod ko...” natatawang sinabi niya.
“Hey, all of you there, listen,” sigaw ni Franco sa buong kabundukan. “I love you, Beatriz Navarro!”
At nag-echo iyon sa buong Rancho Navarro na nagpabulabog sa mga ibon at hayop.
WAKAS
Dear Reader,
Sana po ay nagustuhan ninyo ang unang handog ng Kristine Series Volume II, Series 1. Abangan din po ninyo sa susunod na mga labas ng Kristine Series ang buhay at pag-ibig ng mga Navarro Men at ang kaisa-isa nilang kapatid na babae.
For the first time in my writing career, I incorporated murder, suspense, and romance sa huling dalawang kabanata ng serye ng pamilya Fortalejo. At base sa mga sulat ninyo sa akin, hindi ako nabigo sa una kong pagsubok na bigyan kayo ng higit na magandang mga nobela ng pag-ibig.
Gusto ko pong iparating sa inyo na habang nasa harap ako ng computer sa gabi ay taglay ko kayo sa aking isip. Every time I created a novel, would like it very much for you to laugh with me a little, cry with me a little, and fall in love with me a little. And it flatters me to know na buhay na buhay sa inyo ang mga character ko. That is exactly my goal.
I would like to quote a line from a friend’s letter: / consider you my friend through your books, coz what you feel in writing it, I feel in reading it so it seems to me that when I read your books we’re just one.
So you see, I am committed. Every novel that I write is a commitment... to you.
Martha Cecilia