noveltoon logo noveltoon
Kiss Me

Chapter 14

Ch. 15 / 23 Nov 06, 2025

Alex

"Where have you been?"

Pagpasok ko, yan agad ang bungad ni Allyna sa akin.

"Kanina pa kita hinihintay. Alam mo ba kung anong oras na??!"

Bakit ba siya galit na galit saken. Dati naman kahit madaling araw na ako umuwi, wala naman siyang pakialam. Hay. Wala ba siyang taping?

"Daig mo pa si Daddy makasermon, ano bang problema mo?" tanong ko. Nagdiretso ako sa kusina para uminom ng tubig. Kakatapos lang namin gumimik magbabarkada. Sumunod siya sa kusina.

"May itatanong kasi ako sayo,” mababa na ang tono ng boses niya. "Ano yon?"

"May kilala ka bang Cheska? Nakadate daw ni Gian dati. Kilala mo ba?" Paano nalaman ni Allyna?

"Oo. Kilala ko siya." "So alam mo na.."

Hindi niya itinuloy ang sasabihin niya. Hindi niya kaya? "Oo, alam ko--"

Nanlaki ang mata niya at sinigawan na naman ako.

"Alex, bakit hindi mo sinasabi sa akin. May problema pala si Gian!"

Eh bakit ko naman sasabihin sa kanya? Alam ko na tutulungan niya ang pinsan nyang yon. "Wala akong pakialam sa problema ni Gian, problema niya yon, eh di siya gumawa ng paraan." "Bakit ka ba ganyan? Pinsan mo siya."

Tiningnan ko si Allyna.

"Alam natin na hindi totoo yan."

Nakatitig lang siya sa akin. Mukhang masama na ang tingin niya sa akin. Tama naman ang sinabi ko ah.

"Nakipagkita ako kay Cheska at sinabi kong layuan niya sina Gian. I didn't know matigas pala ang ulo niya."

"WHAT??! Bakit mo ginawa yun? Paano kung saktan ka niya?"

Ang bilis namang gumawa ng aksyon ni Allyna. Hindi niya kilala si Cheska. Hindi niya alam kung anong kaya nitong gawin.

Tinaasan niya ako ng kilay.

"Bakit? May tendency ba na saktan ako ng babaeng yun? Bakit mukhang kilalang kilala mo siya?"

"Eh.. Naging magkaibigan kami nung college that's why I know her. Anong ginawa nya sayo? Anong sinabi niya?"

Sana lang hindi siya sinaktan ni Cheska. Kapag ginawa niya yun, hindi ko alam ang magagawa ko sa kanya.

"We just had an argument. Hindi ko siya gusto and I will never like her. Huwag kang magalala, hindi niya ako sinaktan. Sa tingin mo ba, magpapatalo ako sa kanya?"

Ngumiti siya sa akin. Alam ko kayang protektahan ni Allyna ang sarili niya. Natutuwa ako na ganon siya. Mahal na mahal ko ang kapatid kong yan kaya hindi ako papayag na may manakit sa kanya.

Umakyat na siya sa kwarto niya pagkatapos naming magusap.

**

Kinabukasan, pinuntahan ko si Cheska sa bahay niya.

"Aga mo ah! May usapan ba tayo ngayon na magkikita tayo?" tanong niya pinapasok niya ako sa loob.

Nakita ko si Cian na kumakain ng breakfast. Inilayo ko siya sa bata para hindi nito marinig ang paguusapan namin.

"Anong sinabi mo sa kapatid ko?!" "Sinong kapatid?"

Kita ko sa mukha niya ang pagkalito.

"Inutusan ka daw niyang layuan mo ang pamilya ni Gian."

"Oh my God! How come I didn't notice it. Kapatid mo si Allyna?! You never told me that she is your sister!"

She must be really shocked. "Anong sinabi mo sa kanya? Anong ginawa mo?!"

"Pwede ba huwag kang sumigaw. At tsaka wala naman akong ginawa sa kanya. Kahit na gustong gusto ko siyang saktan noon, hindi ko yon ginawa dahil wala ako sa lugar. Bakit hindi mo subukang itanong kung anong sinabi saken ng kapatid mo?"

"Ano bang sinabi niya sayo?"

"Sinusubukan niyang bayaran ang paglayo ko kay Gian at ipinagpipilitan nyang hindi anak ni Gian si Cian. Sino siya para sabihin nya yon? Ako ang ina ni Cian. Ako ang nakakaalam at isa pa sinabi niya na kapag positive daw ang resulta ng DNA, kukunin lang nila ang bata sa akin. No way! They can't take away my son from me!"

Sinabihan niya akong wag akong sumigaw pero siya naman ang lumalakas ang boses. Napapalingon nga si Cian eh.

"Cheska, relax." Pinipilit ko siyang kumalma.

"Pagsabihan mo yang kapatid mo ha! Kapag hindi ako nakapagtimpi at binangga na naman niya ako, hindi ko na siya papalampasin."

"Subukan mong saktan ang kapatid ko, ako ang makakalaban mo." Tiningnan niya ako.

"Alex!"

"Pwede ba, wag na wag mo siyang idadamay sa mga kalokohan mo. Magisip ka na lang ng paraan mo para makuha mo ang gusto mo. Naiinitindihan mo ba?"

"Yang kapatid mo kasi eh." "Enough of my sister okay?!"

Natahimik siya. Kung nasindak sa sigaw ko, hindi ko alam.

"Ngayon ang araw sa pagpapaDNA kay Cian diba?" pag-iiba ko ng topic. Lumapit na siya kay Cian at sumunod ako sa kusina.

"Oo, ngayon nga kami magkikita ni Gian,” sagot niya. "Good. Ihahatid ko na kayo."