noveltoon logo noveltoon
Kiss Me

Chapter 10

Ch. 11 / 23 Nov 06, 2025

Shane

"Wake up sleepyhead. Time for school."

Ayoko mang gisingin si Shasney sa himbing ng tulog niya pero kailangan. We are so lucky and happy na mabiyayaan ng isang anghel. Mahal na mahal namin ni Gian ang anak naming ito.

Hindi man lalaki ang naging panganay namin ni Gian, hindi iyon nakaapekto sa pagsasama naming dalawa. Alam ko naman dadating din sa amin ang baby boy. Hindi ako papayag na hindi ko siya mabigyan ng Little Gian. Malaki na din naman si Shasney kaya sa tingin ko ayos lang na masundan na siya. Kailangan pa-usapan na namin ni Gian ang tungkol dun. Kunsabagay, halos araw-araw naman naming ginagawa yun.

"Mommy.."

"Good morning baby, bangon ka na. Are you ready for school?"

Tumango siya. Matapos ko siyang bihisan ay sinamahan ko na siya sa school. Si Gian naman nakapasok na sa office niya.

"Balikan mo na lang si Shasney sa school niya. Hindi naman yan mapapano dyan. Sige na, magpunta ka na dito."

Sina Faye at Ara, niyaya ako sa isang coffee shop na malapit dito sa school ni Shasney. Sige na nga. Babalikan ko na lang ang anak ko pagkatapos ng klase niya.

"Nag-order na kami para sayo,” sabi ni Faye. "Thanks."

"You mean tuwing Thursday at Sunday sayo siya?"

"Oo. Okay lang yun, hindi naman ako ang legal na asawa eh."

Those two girls caught our attention. Tama ba ang ibig sabihin non? The other girl is a mistress?? Lumabas na din sila ng shop.

"Oh my! Did you hear that? She's a mistress! Hindi ko yata kakayanin yun," sabi ni Ara. "Ang maging mistress??" tanong ni Faye.

"Yeah. Pero hindi talaga iyon. The idea na may ibang babae ang mahal ko. Makakapatay ako!" sabi ni Ara. Umiral na naman ang pagiging palaban ni Ara.

"Don't judge her, wala naman tayong alam sa storya nung babae,” sabi ni Faye.

"Whatever! Minsan ng nagkaron ng mistress ang Daddy ko, that's why I hate them. Mabuti pa tong si Shane, walang problema sa asawa. Mahal na mahal nila ni Gian ang isa't isa eh,” sabi ni Ara.

Napangiti naman ako. Hindi lang pala kasi ako ang nakakakita ng pagmamahalan namin ni Gian. Even the people around us.

Napaisip ako bigla. Kung si Gian, may ibang babae? Hindi ko din ata kakayanin yun. It will break my heart into tiny pieces.

"I can still remember dati, patawag tawag lang yung babae sa bahay. Kapag hindi si Daddy ang nakakasagot, she'll just hang up. Iniintay niya lang talaga na si Daddy yung makasagot so they can talk. Bitch!" pagkekwento ni Ara.

Ewan ko ba bigla ko na lang naalala yung babaeng tumawag kagabi.

"O? Bakit parang lumungkot ang mukha mo? Malabong magkababae si Gian mo noh!" sabi ni Ara.

"Sana nga. Wala naman siguro akong ginagawang mali para ipagpalit niya ako." "True! O siya, enough of that mistress issue at nai-stress ako,” sabi ni Ara.

**

After an hour, bumalik na ulit ako sa school ni Shasney. Naupo ako sa isa sa mga bakanteng bench malapit sa classroom niya.

Nakangiti sa akin ang babaeng katabi ko. She looks familiar.

"Ikaw yung tumulong sa anak ko nung nadapa siya diba?" tanong niya sa akin. Ah! Tama. Siya nga yung mommy nung bata.

"Yes. I'm Shantelle."

I don't know, pero feel kong ipakilala yung real name ko, and besides, hindi ko pa naman siya kilala. Friends ko lang ang tumatawag ng Shane saken.

"I'm Francesca. So, first time ng anak mo na pumasok? Ngayong school year lang kasi kita nakita eh."

"Oo. Excited nga kami eh. Nakakatuwa pala kapag nag-aaral na yung anak mo." "That's true. That's why I'm really proud of my son."

"Well, I'm pretty sure his Dad is also proud of him,” sabi ko. Naalala ko bigla si Gian. Ngumiti siya.

"Yeah. Soon. Magkakaroon na siya ng Daddy." Nalito naman ako dun. Soon?

"He's not with us right now,” sabi niya. Siguro napansin niya na nalilito ako sa mga sinabi niya. "May pamilya siya, pero I'll make sure he will give the love my son deserved."

Tiningnan ko siya at tiningnan niya ako. Hindi ko alam kung anong nakakatawa sa reaksyon ko.

"Why are you looking at me like that?" tanong niya. "Don't get me wrong but I am not a mistress. I won't be a mistress. A woman will only be called a mistress kung may iba pang pamilya ang lalaki, and I will make sure, paghihiwalayin ko muna silang dalawa."

Is this real?! Nababaliw na ba ang babaeng ito? I can't believe I'm hearing all of these. "Sisira ka ng isang pamilya?" wala sa loob na tanong ko.

"No. Hindi ako sisira, bubuo ako. Bubuuin ko ang pamilya ko and besides una naman siyang naging akin."

Hindi pa din ako makapaniwala.

"I know you find it weird, but I'm not crazy. Ikaw, kung sakaling hindi buo ang pamilya mo, gagawin mo din naman siguro ang lahat mabuo lang ito diba?" tanong niya.

Ang pamilya ko? Masisira? Hindi ko yata kayang isipin yun. "Walang kailangang buuin kasi walang masisira,” sagot ko sa kanya. Tumawa na naman siya.

"Oh cmon! Siguro masaya ang pamilya mo noh?" "Oo naman. Masaya kami."

"One of these days, magiging masaya na din ang pamilya ko, at kapag dumating ang araw na yon, kasama mo na akong uupo dito na may masayang pamilya."

Ngumiti siya at tumayo.

"Sige Shantelle. I have to go. I'm gonna be busy, sisimulan ko na kasing buuin yung pamilya ko."

"Bye! Ingat and good luck,” then she left.

Ang dami ko ng kilalang babaeng matatapang. Una si Ara, tapos si Allyna at ngayon si Francesca. Sabagay hindi ko din siguro siya masisisi. Baka matindi ang mga pinagdadaanan niya kaya matapang siya.

Ako kaya? Kailan ako tatapang? Kailangan ko bang maging matapang? Para saan? Masaya naman ako sa kung anong meron ako.

Hanga ako sa tibay ng loob niya. Ipaglalaban niya kung anong gusto niya. Sabagay kung ako din siguro, ipaglalaban ko din ang alam kong akin. Hindi din ako papayag na maagaw yun ng kahit na sino.