“Ate, ano naman ang akala mo sa akin? Ten years old pa din na pwede nyong mauto ni Kuya Adam?” tanong ni Ian habang nakaupo kami sa may tabing dagat.
Pinapanood namin na magtampisaw ang kambal. Masaya ako na nakikitang nag-eenjoy na si Madison sa bakasyon namin na ito. Mas masaya ako na naovercome na niya ang takot niya sa dagat. Muntik na kasi siyang malunod noon, and that was a total nightmare for me.
“Hindi kita inuuto noon noh? Siya lang ang nang-uuto sayo!” depensa ko.
Totoo naman diba? Sila ang palaging magkasama kahit noong ipinagbubuntis ko pa lang ang kambal. Remember that?
Huminga siya ng malalim.
“Anyway, tinawagan niya ako kagabi.”
Hindi ako sumagot, sa halip inalis ko sa mukha ko ang aking buhok na hinahampas ng hangin.
“Kausap niya rin si Madison kaninang umaga.”
“Ikaw? Kelan mo siya huling nakausap?”
“I don’t know. Last week siguro. Matagal na din.”
Bakas ang pagkagulat sa mukha ng kapatid ko.
“Ibig mong sabihin, hindi kayo araw-araw nag-uusap?!”
“No, why should we?” nakataas ang kilay kong tanong.
Did you feel any bitterness in my voice?
None?
Good. Kasi hindi naman talaga.
“Ate, may anak kayo. Dalawa pa! Ngayon sabihin mo sa akin ang dahilan kung bakit hindi kayo dapat mag-usap araw-araw?”
“Kasi matagal na kaming hiwalay. Kasi we already realized na mas ikabubuti yon ng bawat isa,” smooth kong sagot.
Iiling-iling si Ian.
“Gaano na nga ulit kayo katagal na hiwalay?”
“Almost two years,” sagot ko.
That was after the twins celebrated their 7th birthday. We already knew that from that moment, something was wrong.
“Matagal na din. How about the kids? That must be really hard for them.”
Hindi ko nasagot agad ang tanong ni Ian nang biglang lumapit sa akin si Madison.
“Look Mommy! Kuya found a jellyfish!” tuwang tuwang sabi ni Madison habang ipinapakita sa akin ang plastic cup na may laman na jellyfish.
“Wag mong hahawakan yan ha, or better yet, ibalik nyo na lang ni Kuya sa dagat where it belong.”
“But Mom!”
Yah. That’s her favorite line.
Why?
Simply because she can’t say “But Dad!”
Dad is not around. Do I need to tell?
Bago pa ulit ako makapagsalita, tumakbo na ulit siya pabalik sa Kuya niya na nasa pampang pa rin.
“Daddy’s girl,” baling ko kay Ian.
“The hardest part,” natatawa niyang sagot.
“You don’t need to rub it in. I am trying my best para magampanan din ang role na yon, but I guess I always fail. Palagi lang kaming nag-aaway ni Madison.”
“Alam mo kung ano talaga ang kailangan niya.”
**
“Let me talk to him! Ako naman!”
“No! Sa akin tumawag si Daddy kaya ako ang kakausap sa kanya!”
Tinutulungan ko si Mama sa pagluluto sa kusina nang marinig kong nagsisigawan ang kambal sa sala kaya nilapitan ko sila.
“Hello Daddy..” si Landon.
“Daddddyyy!! Ako naman! Kuya give me your phone!” pangungulit ni Madison.
“Madison let your Kuya talk to your Dad. I know you miss him too pero pagbigyan mo naman ngayon ang Kuya mo,” sabi ko kay Madison pero hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ni Landon na hawak hawak ang phone habang nakatapat sa tenga ng huli.
“Madi..” tawag ko.
“Fine,” walang gana niyang sagot.
Lumabas naman si Landon sa may terrace at doon kinausap ang kanyang ama.
“Come here,” yaya ko sa kanya at sinunod naman niya ako.
“Mommy, bakit ba umalis si Daddy?” tanong niya at napapansin ko ang paghikbi niya. “Hindi na ba niya ako love, pati si Kuya at ikaw? Ha Mommy?”
Umupo ako sa couch at pinaupo ko siya sa lap ko.
“Syempre love pa rin kayo ni Kuya. May mga bagay kasi na hindi mo pa maiintindihan kasi bata ka pa but always remember love kayo ni Daddy, ok?”
Pinahid ko ang luha niya sa pisngi. Alam kong dadating ang pagkakataong ito. Gaano ko man inihanda ang sarili ko, ibang iba pala kapag andito na at kahit ilang beses na. This is not the first time na nagkaroon kami ng ganitong scenario ni Madison at hindi ako magsasawang sagutin at paliwanagan siya sa abot na aking makakaya.
“Yesss!! Yess!!! Madi.. matutuwa ka sa sasabihin ko!! Whoooh!!” sigaw ni Landon habang nagtatatalon sa saya. Bigla bigla na lang siyang pumasok sa loob.
Tumayo naman kaagad si Madison.
“Uuwi si Daddy! Uuwi siya!”
Nanlaki ang mga mata ni Madison sa narinig niya habang natigilan ata ako sa narinig ko.
“Kailan?” tanong ni Madison.
“Hindi niya sinabi eh pero uuwi daw siya.. soon.” Bumaling naman sa akin si Landon. “Mommy! Uuwi si Daddy. Excited na ako!”
Wait lang naman. Pinakakalma ko pa nga ang sarili ko eh. Ngumiti ako sa kanilang dalawa.
“Great! Uuwi ang Daddy nyo! That’s.. fantastic!” sabi ko na lang habang malapad ang ngiti pero ang totoo nagulat talaga ako. How come hindi man lang niya ako sinabihan?! Don’t get me wrong, hindi ako nagseselos na kay Landon niya unang sinabi na uuwi siya. Landon is our son after all. It’s just that he should’ve set my expectations as well. Nakakainis talaga ang lalaking yon. Napakaselfish talaga!
“Mommy, kailangan na nating umuwi sa Manila dali!” sabi ni Madison at hinila pa niya ang kamay ko na para bang kailangan na talaga naming magimpake at umalis ngayon. As in agad agad.
“Madison, wala pa tayong isang linggo rito. Bakit ba gustong gusto mo ng bumalik sa Manila?” tanong ni Landon.
Binalingan ko ng tingin si Madison waiting for her answer. Nahohomesick na ba siya kaagad?
“Eh kasi Kuya, isipin mo paano kapag dumating bigla si Daddy tapos wala tayo sa bahay? Kailangan niya tayong madatnan doon kaya umalis na tayo!”
Halos matawa ako sa sagot niya. Akala ko talaga naiinip na siya rito.
Umupo sa tabi ko si Landon at humilig sa balikat ko.
“Madi, alam ni Daddy kung nasaan tayo kaya wag kang mag-alala kasi alam niya kung saan niya tayo pupuntahan.”
“I’ll call Ninang Venice. She needs to know. Magpapasundo ako sa kanya rito!”
Magpapasundo? As if naman! Batang yon talaga! Hinayaan ko na lang siyang pumunta sa kwarto nya. Agad na kasing tumalikod at nagtatakbo eh.
I know how much they miss their Dad.