“Connor,” pigil ni Catherine sa anak.
Mabilis na sanang susundan ni Connor si Elaine nang umalis ito matapos nilang marinig ang mga rebelasyon. Kahit siya ay nakaramdam din ng kalituhan at mga hindi maipaliwanag na emosyon sa nalaman tungkol sa nakaraan ng parents nila. But more than that he’s much worried for Elaine.
Bumaling si Connor sa kaniyang Mommy. Ayaw niya sanang gawin ito dahil birthday pa ng Mommy niya. Ang kaniyang Daddy naman ay abala pa sa pagkausap din sa Lola niya. Nagkatinginan sila ng kaniyang ina. “Is that…true? What Lola said…”
Marahang tumango si Catherine sa anak at nagpakawala ng isang buntong-hininga.
Nanlaki ang mga mata ni Connor na nakatingin sa ina lalo nang kumpirmahin nito ang mga sinabi ng kaniyang lola kanina sa lunch nila. He cannot believe it. He grew up seeing how his parents were in love with each other kahit nga ngayong halos may edad na rin ang mga ito. Hindi niya akalaing may madilim na nakaraan pala ang parents niya. He cannot believe his Dad did it to his mother…
Umusbong ang galit kay Connor sa naiisip tungkol sa Daddy niya. He wanted to be angry at his Dad. Alam niyang nakaraan na iyon but he still can’t help it with his emotions thinking how kind his mother was pero nagawan pa rin ito ng ganoon ng Daddy niya. He cheated on her! He hurt her.
Nakabalik naman si Stefan sa pamilya niya matapos mapakalma ang ina at pinagkatiwala na ito sa personal nurse nito. Bumaling din si Catherine sa asawa. Nagkatinginan sila ni Stefan at tumango si Catherine bago nilapitan naman ngayon ang isa pang anak na nakarinig din sa usapan kanina sa hapag. Pinili niyang alisin na muna ang bunsong anak doon at siya na ang kakausap at magpapaliwanag sa nangyaring komprontasyon. Habang si Stefan naman ang kakausap sa panganay nila.
Hindi talaga naiwasan ang nangyari. Naisip na rin nina Stefan at Catherine ang possibility ng pagkaka-ungkat ng kanilang mga nakaraan when they both learned that their eldest child somehow got close to Kier and Elise’s daughter…
Ngunit hindi nila tinutulang mag-asawa iyon. They all already made peace with the past. They’ve long accepted their history. At gaya ng mag-asawang Kier at Elise ay iniisip din nina Catherine at Stefan na wala naman nang kinalaman ang kanilang mga anak sa mga kasalanan at kamalian ng nakaraan. Kaya tingin ni Catherine ay labas na sina Connor at Elaine doon. The kids deserves to be with each other if they wanted to. Wala siyang nakikitang mali doon. Ang mga kasalanan ng nakaraan ay nagtapos na sa kanilang adults.
Samantalang naiwan naman doon ang mga-amang Connor at Stefan. Halata na sa mukha ni Connor ang galit para sa ama. Sinisisi niya ito sa nangyari ngayon lang. If his Dad never cheated with… Elaine’s Mom in the past ay wala sana sila sa sitwasyong ito ngayon. But because of his Dad… He just ruined everything for him now. And he cannot forget how his Dad probably hurt his Mom in the past. How his father caused pain to his kind mother. He just cannot believe it.
“Connor-”
“So you hurt Mom in the past?” he confronted his father, even gritting his teeth because of anger and betrayal. He felt betrayed for his Mom, for their family.
Hindi agad nakapagsalita si Stefan sa atake ng anak. He’s aware that this is still a part of the consequences from his actions in the past… Hindi niya masisisi ang anak kung ganito man ang reaksiyon nito ngayon… He let out a sigh. Ngunit hindi pa man niya nasasagot ang anak ay muli na itong may binatong mga salita sa kaniya.
“I cannot believe you, Dad!”
Stefan sighed. Gusto niyang sawayin ang anak sa pagtataas nito ng boses sa kaniya. Ngunit pinalampas niya muna iyon at piniling intindihin si Connor. “Like you said, son...it’s all in the past…”
“Even so!”
Stefan sighed again. “Lower your voice, Connor, and your sister might hear you-”
“So what, Dad? Ayaw mong marinig ni Kathryn ang mga nakakahiya mong pinaggagawa noon?”
Nauubusan ng pasensya si Stefan sa pagiging sarkastiko na halos ng panganay na anak. Hindi niya ito pinalaking ganito na sumasagot sagot nalang sa kaniya. He will lose his patience too with Connor like this losing his respect for him. He is still his father. Siya ang nagpalaki sa kaniyang anak at hindi niya matatanggap na ganito ito sa kaniya ngayon... “Stop it.” mariing pigil ni Stefan sa anak. Mag-ama nga sila na parehong may maiksing pasensya kahit sa isa’t isa. Connor grew up close to his Dad. Ganoon din ang kapatid niyang si Kathryn.
Kaya nga siguro ayaw man niyang aminin ay mas nasasaktan siya kaysa nagagalit sa nalaman tungkol sa kaniyang ama. Nasasaktan siya dahil hindi siya makapaniwala. He almost doesn’t want to believe it. Ayaw niyang mag-iba ang kaniyang tingin sa ama.
“I feel like you’ve been lying to us all these years, Dad…” he doesn’t want to cry and feel like a boy again in front of his Dad. Wala ngang tumulo na luha mula sa mga mata niya, but it turned bloodshot because of his mixed emotions.
Lumambot naman ang mga mata ni Stefan na nakatingin sa anak. Hindi pa niya nakita na ganito noon si Connor. He almost can’t stand the emotions he’s seeing in his son’s eyes. Manang mana si Connor sa ama. Mula sa mukha, tangkad at pangangatawan. “I’m sorry, son…” his voice croaked a bit.
Kita ni Stefan ang disappointment sa anak nang inilingan siya nito. Pagkatapos ay tinalikuran ni Connor ang kaniyang ama. Walang nagawa si Stefan. Ramdam din niya ang pagkabigo sa kaniyang kalooban sa pinakitang kabiguan sa kaniya ng anak. He felt like he failed his son…
Connor was about to go out and leave their house when he heard his mother. Binalikan ni Catherine ang mag-ama dahil sa pag-aalala. Natigilan si Connor nang marinig ang boses ng Mommy niya na tinawag siya. Pero nanatili lang siyang nakatayo roon at hindi na lumingon.
Saglit naman munang nilapitan ni Catherine ang asawa. “Ako na muna ang bahala,” she gave her husband a weak but reassuring smile.
“Connor,” nilapitan ni Catherine ang anak. “Where are you going?”
Hindi ito nagsalita. Pilit na hinarap ni Catherine ang anak. And then she sighed at their situation. Pero narito na ito and she kind of already expected this, too… “Mag-usap muna tayo, anak?”
Mukhang hindi pa rin matitinag si Connor. Bahagya pang napangiti si Catherine sa anak despite what’s happening. Hindi niya mapigilang isipin na manang mana pa rin talaga si Connor kay Stefan. Naalala niya noon na ganito rin katigas si Stefan at kapag ayaw niya ay ayaw niya talaga… He doesn’t care if he can hurt other’s feelings…basta ay hindi nito pipilitin ang sarili sa talaga namang ayaw nito... Gaya nalang din ng pinapakita ngayon ng anak niya dahil mukhang ayaw na rin nitong kausapin o harapin man lang ang ama. Catherine can’t help it but to think of the similarities of her husband and their son. Positibo siyang magiging maayos din ang mag-ama niya.
“Please?” alam niyang hindi na siya matatanggihan ng anak kapag ganito siya.
Connor heaved a sigh. Napangiti si Catherine. Pinasunod na niya sa kaniya ang anak sa para magkaroon sila ng kaonting privacy sa kanilang pag-uusapan. Nagkatinginan pa muna sila ni Stefan at sa tinginan pa lang ng mag-asawa ay alam nilang naiintindihan na nila ang isa’t isa. Ganoon siguro talaga kapag matagal na rin kayong kasal at lalong kilala na ang isa’t isa.
They end up in their home’s garden. Catherine folded her arms to her chest gently bago niya muling binalingan ang anak. “Don’t end up a conversation with your father like that, Connor.” she sighed.
Connor shook his head. “I don’t want to talk to him anymore, Mom…”
“He’s still your father, Connor. Your Dad was nothing but a good father to you and your sister all these years, right?”
Hindi nagsalita si Connor sa sinabi ng ina. Alam din naman kasi niya sa sarili niya ang katotohanan noon.
“Hear your father’s explanation, Connor,”
Connor sighed.
Dinagdagan pa ni Catherine ang sinabi. “Your father might have hurt me in the past, but… may kasalanan din naman ako…”
Nakuha niyon ang atensyon ni Connor. Tumingin siya sa Mommy niya at nagkatinginan silang mag-ina. Catherine sighed. “Stefan actually begged me not to marry him days before our wedding… He was desperate…at halos lumuhod na siya sa aking harapan noon…”
Kumunot ang noo ni Connor. He never really heard of his parents love story… Ang alam lang niya na galing sa parehong mayamang pamilya ang parents niya at nagpakasal ang mga ito at naging maayos naman ang pagsasama despite just coming from a fixed marriage at first… Iyon lang halos ang nalalaman niya…
“Your Dad doesn’t want to become the death of your Lolo then--inatake noon ang Lolo mo at nanatili rin sa ospital para magpagaling. They wanted their son to marry only me--for our family businesses, too. He’s given me the choice to call off our engagement before because unlike him alam niyang may magagawa ako… Na puwede akong magsabi sa Lolo at Lola mo--pwede akong tumanggi sa pagpapakasal lalo at bata pa naman ako noon… But I love your Dad even since then, Connor… While on the other hand he already has his eyes on someone then…”
Nanatili ang tingin ni Connor sa ina.
“Yes, son… Elaine’s…Mom…” suminghap siya. “Your Dad was already in a relationship with someone else even before we were paired by our parents. He was in love with Elise--Elaine’s mother. Ngunit hindi ito ang gusto ng mga magulang niya para kay Stefan kung hindi ako. And I…did not listen to your Dad… Ginusto ko pa ring matuloy ang kasal namin. At wala na siyang nagawa doon…” she breathed again. At pinakatitigan ang anak niya. “Nasaktan man ako ng Daddy mo noon, pero… kasalanan ko rin iyon dahil pinilit ko kahit sinabi na niya sa akin noong wala akong aasahan sa kaniya at na...masasaktan lamang ako…”
Catherine’s aware of her own consequences, too. Lahat sila nina Stefan at Elise has their fair share of mistakes in the past… And they’ve long accepted it and learned to forgive each other and themselves. They all moved on. At dapat ang kanilang mga anak na rin lalo at wala naman na talagang dapat na kinalaman pa ang mga bata sa nakaraan nila… They have a future to look forward to and the past shouldn’t affect them like this…
“I am not justifying your father’s wrongs and past mistakes, Connor... Mali pa rin ang pagtataksil sa asawa… But it was all a long time ago and your father eventually fell in love with me…and he’s here with us now…At alam kong ganoon din ang parents ni Elaine… We already talked about this in the past… We already closed that chapter in our lives… Kaya sana, anak, ay hindi na kayo naaapektuhan pa nang ganito ni Elaine…”
Connor gulped the lump that was forming in his throat. Niyakap na ni Catherine ang anak.
Matapos mag-usap ng mag-ina ay binalikan nila si Stefan na naghihintay naman doon. Nagkatinginan si Connor at ang kaniyang Daddy. Nilapitan ni Stefan ang kaniyang mag-ina. Sinalubong naman ni Catherine ang asawa. Nanatili ang tinginan ng mag-ama sa isa’t isa. Ngumiti nalang si Catherine sa kaniyang mag-ama. From there, alam nilang magiging maayos din ang lahat…
* * *
Finally nakakuha rin ng pagkakataon si Connor para makausap si Elaine sa school. Ilang araw din siya nitong iniwasan after what happened… “Elaine,” hinabol niya ito.
“Please let’s talk,”
Halos marahas siyang hinarap ni Elaine. She sighed. “I have decided… Mas m-mabuti pa sigurong huwag nalang nating ituloy pa ang relasyon natin-”
“What- Wait… Are you breaking up with me, ‘Laine?” Connor can’t stop the hurt in his voice.
Hindi niya naisip na tapusin sila dahil sa nangyaring nalaman nila tungkol sa past ng kanilang parents. Unlike what Elaine’s considering right now.
Hindi na rin napigilan ni Elaine ang kaniyang emosyon. Tears pooled in her eyes. Hinila siya ni Connor papunta sa sasakyan nito. Nanghihina siyang pumasok doon at naupo sa front seat. Sumunod si Connor na pumasok din sa driver’s seat naman ng kotse niya.
Nasa parking lot sila ngayon ng kanilang university.
Masakit din para kay Elise ito at hindi siya basta bastang nagdesisyon nalang… Mahal niya rin si Connor at mahirap din ito para sa kaniya. Pero tingin niya ito ang makabubuti para sa kanilang lahat…
“I don’t think I can still face the people who have hurt my Mom, Connor…” she voiced it out.
Umawang ang labi ni Connor na nakatingin sa kaniya. He gulped and then he looked away. “My Mom was hurt, too, Elaine… But I never thought or hating your family or ending things between us…” inayos niya ang boses na bahagyang nanginig.
Naiiyak na bumaling si Elaine sa lalaking mahal. At parang natauhan siya sa sinabi nito. Nagiging bias siya kung ang sakit lang ng pamilya niya ang iisipin niya. At mismong ang Mommy na rin niya ang nagsabi sa kaniya at umamin na nasaktan din nito noon ang Mommy ni Connor… Tuluyang bumuhos ang mga luha niya. At si Connor na hindi nakatiis ay niyakap ang kaniyang girlfriend. He loves Elaine so much na hindi ito matatalo ng kahit nalaman pa nilang nakaraan na naman na. His Mom’s right, wala na silang kinalaman ni Elaine doon…
“I don’t hate your family, Connor… I just don’t know what to actually feel after what we’ve heard… I’m sorry…” she cried.
And it breaks his heart seeing her cry. But what’s important is she’s in his arms and he was there to comfort her… “Shush, it’s okay… We’ll be fine…”
Naging maayos din sila pagkatapos noon.
Ngunit hindi pa lang talaga sila muling nakakaharap sa parents ng isa’t isa pagkatapos ng nangyari. But Connor made the first move. Gusto niyang tuluyan na silang maayos para sa kanila ni Elaine. Alam niyang patuloy pa rin silang mababagabag kapag hindi rin nila ito haharapin. Isa pa ay wala na rin namang problema o sama ng loob ang mga magulang nila galing sa nakaraan kaya bakit sila ni Elaine… So he bravely went to his girlfriend’s house that day to visit Elaine at para na rin makausap niya ang parents nito…
“Pasok ka, hijo… Uh, nagbibihis pa si Elaine pero bababa na rin iyon at alam niyang nandito ka…” it was Elaine’s mother. He remember his mother’s gentleness on how gentle Elaine’s Mom, too…
“I’m also here to talk to you and tito, tita…”
“Oh…” tumango tango si Elise at bahagyang nginitian si Connor. Connor reminded her of the young Stefan…
“I’d like to say sorry…to you, tita…for what my Dad did to you in the past…”
Umiling si Elise. “Nagkapatawaran na kami noon ng Dad mo, Connor… May kasalanan din ako sa Mommy mo…”
Tumango si Connor. “I understand, tita… Naipaliwanag na rin sa akin ni Mommy,”
Elise nodded and smiled a bit. Talagang wala na sa kanila ang nakaraan… Kaya sana ay huwag nang maapektuhan pa ang kanilang mga anak lalo at mukhang tunay naman ang damdamin ng mga ito para sa isa’t isa…
Lumapit sa kanila si Kier at nagtanguan lang din naman ito at si Connor.
* * *
“You have to leave me for your studies, Connor…”
“I told you, Elaine… Hindi ako aalis kung hindi ka papayag.”
“I can’t do that to you. It’s for your future…”
“For OUR future, Elaine.” pagtatama ni Connor sa sinabi ng girlfriend.
Maaring mga bata pa sila but love has no accurate shape, right? Wala sa estado at wala sa edad… May paninindigan si Connor para sa kanila ni Elaine.
Tumingin sa kaniya si Elaine nang may pagdududa sa mga mata nito. “What if we break up-”
“Why do you always result to that, Elaine?” It actually frustrates him. Kahit anong mangyari ay hindi niya maiisipan iyan.
Elaine bit her lip guiltily. “I’m sorry… Naisip ko lang na hindi tayo masasaktan kapag wala tayong pangako na binitiwan sa isa’t isa…” she said it in a small voice.
Connor sighed. “Look at me in the eyes, Elaine.” And Elaine did. “I know you now have doubts in us after what we both learned about our parents past… But you know what? I’m not even a bit affected by it. Because I’m sure, ‘Laine… I’m truly and deeply in love with you...and only you. And I trust our love for each other.” inabot niya ang kamay ng girlfriend at hinawakan. “I trust you. I trust your love for me. I believe in us. I can only hope that you will have enough faith in me, too…”
Kumislap na naman ang mga luha sa mata ni Elaine. Marahan siyang tumango. “I will, Connor. I trust you. I’m sorry…”
Maagap siyang niyakap ni Connor. “Shush... It’s gonna be fine for us, ‘Laine.”
Their parents’ past doesn’t define them. They are different people no matter if they came from the broken promises of their parents in the past… May sarili silang pag-iisip at sariling nararamdaman para sa isa’t isa. And their love is different. At napatunayan din nila iyon through time. Dahil ang panahon lang ang makakapagpatunay na totoo nga sila sa isa’t isa at na totoo ang kanilang mga pangako.